Matty Juniosa nagbabala sa fake FB account: ‘Quite awkward, weird’
NAGBIGAY ng babala ang “Britain’s Got Talent” season 19 finalist na si Matty Juniosa matapos madiskubre ang isang pekeng Facebook page na nagpapanggap bilang siya.
Kwento ng singer, pinangarap niya noong high school pa siya ang pagkakaroon ng poser account dahil para sa kanya, ibig sabihin noon ay sikat ka na.
Pero ngayong nangyari na ito sa totoong buhay, ibang usapan na.
“Just letting you all know that there’s a page pretending to be me and signing off on posts as if it’s me. Please know that this is my only account, and I do have a page that’s directly connected to my [Instagram],” sey ni Matty sa kanyang Facebook post.
Baka Bet Mo: Matty Juniosa ‘nag-Sharon’ ng confetti nang mag-Golden Buzzer sa ‘BGT’
Dagdag pa niya, dapat maging mapagmatyag ang publiko dahil posibleng may ginagawang kalokohan ang admin ng naturang page, lalo na’t naglalabas ito ng mga anunsyo na tila galing mismo sa kanya.
“If you could all help me get the word out in case the admin of that page does anything dodgy!!,” panawagan ng Pinoy singer.
Mensahe pa niya sa madlang pipol, “I appreciate the help in getting my name out there through that page, but it’s just kinda weird that whoever’s on that account is signing off and posting announcements as if they were me.”
Kahit may halong pangamba, hindi pa rin napigilan ni Matty na matawa sa sitwasyon, kahit aminado siyang awkward itong maranasan.
“I know I was wishing for poser accounts when I was in high school coz that meant I was famous, but didn’t realize it felt quite awkward seeing it happen [in real life],” aniya pa habang ibinabahagi ang kanyang official social media accounts.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fitsmemattyj13%2Fposts%2Fpfbid0ARbGSCeuxiJnWRbsd4vbSg5rXKDV6hyEFKBDpmtwj3iN2oEzyxiZyfoHGuYYMUhWl&show_text=true&width=500" width="500" height="864" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Matatandaang umingay ang pangalan ni Matty matapos siyang makakuha ng dalawang Golden Buzzer sa ika-19 na season ng “Britain’s Got Talent,” kung saan ang pinakahuli ay diretsong nagpasok sa kanya sa finals.
The post Matty Juniosa nagbabala sa fake FB account: ‘Quite awkward, weird’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 01, 2026
Rating:

No comments: