BREAKING NEWS

PhilHealth pinalawak, tinaasan ang maternity benefits; aprub ni Marcos

PhilHealth pinalawak, tinaasan ang maternity benefits; aprub ni Marcos
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

INANUNSYO ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapalawak at pagtaas ng maternity benefits ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa isang video message, sinabi ng presidente na epektibo na ang expanded program ngayong April 30. 

Halos triple na ang sasagutin ng PhilHealth para sa normal delivery mula P9,750 ay magiging P29,000 na.

Para naman sa cesarean section, tataas ang coverage mula P37,050 na ginawang P58,000 hanggang P62,000 katumbas ng pagtaas na nasa 56.5% hanggang 67.3%.

Baka Bet Mo: ‘Walang gutom na Pilipino’ pangarap ni Pangulong Bongbong Marcos 

Pinalawak din ang prenatal care mula apat na checkup, magiging walo na kasama na ang bakuna at laboratory tests.

Pagkatapos manganak, may tatlong follow-up visits pa para sa ina at sanggol na sasagutin din ng PhilHealth.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangako ng gobyerno na gawing mas abot-kamay ang prenatal care, kabilang ang checkups, laboratory tests, hospital expenses, at mga gamot.

“My fellow Filipinos, we know how expensive childbirth can be,” sey ng pangulo sa video.

Wika niya, “When money falls short, we are forced to wait or cut back. This is where the danger begins.”

“Many mothers give birth without a doctor—not because they do not want proper care, but because they cannot afford the costs. This is what we aim to change,” sambit pa niya.

Para sa mga hindi aware, tatlong beses na ito sa ilalim ng administrasyong Marcos na tinaasan ang maternity-related benefit packages.

Noong February 2024, nagpatupad ang PhilHealth ng 30% increase o “inflation adjustment factor” sa halos 9,000 benefit packages, ang unang pagtaas ay noong 2013.

Bago ito, P5,000 lang ang coverage para sa normal delivery at hanggang P19,000 naman para sa cesarean section.

Noong January 2025, nagkaroon pa ng 50% hike sa karamihan ng medical at procedural case rates upang mabawasan ang gastos ng pasyente at mapalakas ang serbisyong pangkalusugan.

“Our goal is simple—to ensure that every mother can give birth safely without worrying about how to pay,” saad ni Pangulong Marcos.

Aniya pa, “We want to make sure that no life is put at risk simply because of a lack of money,” he said.

The post PhilHealth pinalawak, tinaasan ang maternity benefits; aprub ni Marcos appeared first on Bandera.


Uploaded Image
PhilHealth pinalawak, tinaasan ang maternity benefits; aprub ni Marcos PhilHealth pinalawak, tinaasan ang maternity benefits; aprub ni Marcos Reviewed by pinoyako on May 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close