BREAKING NEWS

Inaangal na ‘electric bill shock’ pwedeng maulit, babala ni Gatchalian

Inaangal na 'electric bill shock' pwedeng maulit, babala ni Gatchalian

NAGBABALA si Sen. Sherwin Gatchalian na maaaring maulit ang “electric bill shock” na inirereklamo ng maraming konsyumer ngayon.

Paliwanag ni Gatchalian ang pagbagsak ng halaga ng piso kontra sa dolyar ng Amerika ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng “generation charge” sa singil sa pagkonsumo ng kuryente.

Dagdag ng senador hindi pa pinagbasehan ng pagtaas ng singil sa kuryente ang serye ng “super bigtime oil price hike” na nagsimula noong Marso.

Samantala, dinipensahan ni Gatchalian ang subsidiya sa mga mahihirap na konsyumer ng kuryente, na inirereklamo ng “middle class.”

Aniya, 50 kilowatt hour (kWh) lang ang libre sa konsumo sa kuryente ng bawat mahirap na pamilya para sa paggamit ng maliit na refrigerator, electric stove at ilang ilaw.

The post Inaangal na ‘electric bill shock’ pwedeng maulit, babala ni Gatchalian appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Inaangal na ‘electric bill shock’ pwedeng maulit, babala ni Gatchalian Inaangal na ‘electric bill shock’ pwedeng maulit, babala ni Gatchalian Reviewed by pinoyako on May 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close