BREAKING NEWS

Senate minority bloc nagpaliwanag bakit nag-walk out: Bakit kailangang madaliin?

Senate minority bloc nagpaliwanag bakit nag-walk out: Bakit kailangang madaliin?

ISANG joint ststement ang inilabas ng mga miyembro ng Senate minority bloc matapos ang kanilang pag-wo-walkout sa plenary session dahil sa minamadaling pag-amyenda sa Senate Rules.

Nitong Martes, May 26, kinondena ng mga senador ang umano’y pagtatangkang madaliin ang isang mahalagang pagbabago sa panuntunan sa Senado lalo’t may mga senadr umanong nais magsalita at magtaas ng mga katanungan sa plenaryo.

“Bakit kailangang madaliin? Bakit kailangang pigilan ang mga gustong magsalita?” saad sa joint statement ng Senate minority bloc.

Ayon pa sa kanila, ang panukalang rule change ay may kinalaman sa mosyon kung saan papayagan ang mga senador na dumalo at makilahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconference, video conference, at iba pang electronic means.

Baka Bet Mo: Chiz Escudero magbabalik Senate President, true ba?

Kinuwestiyon din ng minority bloc kung ang pagmamadaling mabago ang panuntunan ay para payagang makaboto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, lalo na sa gitna ng mga ulat na may ilan pang majority senators na posible pang maaresto.

Giit nila, ang nangyari sa plenaryo ay maituturing na “tyranny of the majority.”

“Kung talagang maipagtatanggol ang proposal, hayaan itong dumaan sa tamang proseso,” dagdag pa ng minority bloc.

Sinabi rin nila na nagdesisyon silang kwestiyunin ang quorum at humiling ng adjournment bago tuluyang mag-walkout sa plenary session.

Lahad pa ng minority, tungkulin nilang tiyaking napag-uusapan nang maayos ang mga mahahalagang pagbabago bilang paggalang sa mandatong ibinigay sa kanila ng mamamayan.

“We owe it to the people who voted for us to do our mandate. This is why we want more time to discuss this further,” pagtatapos nila.

The post Senate minority bloc nagpaliwanag bakit nag-walk out: Bakit kailangang madaliin? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Senate minority bloc nagpaliwanag bakit nag-walk out: Bakit kailangang madaliin? Senate minority bloc nagpaliwanag bakit nag-walk out: Bakit kailangang madaliin? Reviewed by pinoyako on May 27, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close