BREAKING NEWS

Bela Padilla friendship over na kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, anyare!?

Bela Padilla friendship over na kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, anyare!?

HINDI lang mga taga-production ng “Blood vs Duty” ang may isyu kay Bela Padilla, maging ang mga kaibigan nitong sina Angelica Panganiban at Kim Chiu ay til;a friendship over na.

Ang tawag nina Kim, Angelica at Bela sa grupo nila ay AngBeki at nasaksihan naman ng publiko ang closeness nila lalo na noong dinalaw ni Kimmy ang huli noong Setyembre 2023 sa Switzerland para damayan dahil sa pagkamatay ng kanyang ama na sobrang appreciated naman ni Padilla.

Pero napansin na ng netizens na tila buwag na ang AngBeki dahil hindi na pinapansin ni Kimmy si Bela.

Balita ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi, Tamerlane Mopia at Dyosa Pockoh ay nagsimulang hindi na pinapanasin si Bela nu’ng pangunahan niya si Kim na sabihing nagpa-freeze ito ng eggcells sa panayam nito sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Baka Bet Mo: Bela Padilla 99% hindi sang-ayon sa ipinaglalaban ni Robin Padilla

Ayon sa binasa ni Ogie, “Hindi yata napapansin ni Ogie na eversince nafgkuwento si Bela kay Boy Abunda na nagpa-freeze ng eggs si Kim ay nawalan na sila ng interactions kay Bela.

“Nag-post siya (Bela) ng birthday greetings kay Kim hindi ni-like ni Kim at hindi nag-post ng birthday greetings si Kim nu’ng siya (Bela) naman ang may birthday. at madalas mag-usap sa social media sina Kim at Angelica at nagpadala ng flowers si Angelica sa birthday ni Kim.”

Reaksyon ng netizens at ni Ogie na hindi tama ang ginawa ni Bela na unahan si Kim sa pagkuwento tungkol sa ginawa nito dahil hindi ito istorya ng isa sa bida ng “Blood vs Duty”.

“So, adelantada si Bela?” tanong ni Dyosa Pockoh.

Sabay namang sagot nina mama Loi at Ogie, “ikaw nagsabi niyan, huh.”

Dagdag pa ni Ogie, “so, ano ito may gap ba sina Bela at Kim at may gap din ba sina Bela at Angelica?  Sina Kim at Angelica ba ang magkakampo ngayon against Bela?”

Samantala, kamakailan lang ay si Ogie rin ang nagpaputok na sakit ng ulo si Bela ng production ng seryeng kinabibilangan niya kasama sina Gerard Anderson, Baron Geisler at Richard Gutierrez.

Nagsimula kasi sa IG stories post ni Bela na,  “When you give it your all pero di man lang pala siya day ender””

Sabi ng ani Ogie ay walang Karapatan si Bela na kuwestiyunin kung ano ang desisyon ng prod at editor daw ang nakakaalam dahil dumaan dito ang episode na ie-ere.

Nabanggit ding hindi magkasundo sina Bela at Baron at namutawi sa bibig ng aktres na “retarded” daw umano ang aktor.

Sabi ni Ogie, “Alam mo nabalitaan ko hinahabaan ni Baron ang pisi niya kay Bela, ayaw niya (pahabain) sabi kasi ni Baron, ‘nagbago na kasi ako kasi isang pagkakamali ko lang silat (masisira) na naman ako,”

Kaya mega-iwas daw si Baron sa pakita ni Bela sa kanya dahil nga kahit wala naman siyang ginawang masama ay hindi pa rin siya papanigan ng publiko kasi nga nakilalang mainitin ang ulo niya.

Sabi ps ni Ogie, ““Nanganak ang isyu, ‘ay naku kung alam mo lang Ogie maldita talaga ang babaeng ‘yan!”  Uy, ayoko namang husgahan si Bela, ito ‘yung mga nakakarating sa amin siyempre open naman ang Ogie Diaz Showbiz Update sa panig ni Bela o kaya kung gusto niyang mag-post sa sarili niya, mag-post siya.

“Sabi ng source ko, nagpa-interview (dati) si Bela kay Karen Davila at 99% hindi raw agree si Bela kay Robin Padilla pero iginagalang naman niya mahilig sa validation mula sa ibang tao si Bela, cloutchaser ‘yan okay lang naman na hindi siya agree kay Robin, pero ano ‘yung 99% ng time na hindi siya agree kay Robin?

“Hindi natin invalidate ang feelings ni Bela may issue ba si Bela kay Robin? Hindi ba naging mabuting tao si Robin kay Bela?  Tanong ng aking source,”mahabang kuwento ni Ogie.

Ayon sa co-host nitong si mama Loi, “E di ba si Kylie Padilla na sinasabi rin niya openly na hindi rin siya sang-ayon sa lahat ng pinapaniwalaan ng papa niya?”

Tuloy pa ni OD, “Kahit naman ako magkaiba kami ng kulay ni Robin hindi rin ako agree sa mga inaano (paniniwala at sinasabi) niya pero kasi kamag-anak (Robin at Bela).  Sabi ng aking source parang hindi naman daw kamag-anak si Bela ng mga Padilla. Buti pa raw si Daniel Padilla wala kang maririnig kahit magkaiba ang kulay nila,”

“Di kaya Tito Ogie parang pinapaingay lang ‘yung teleserye nila? ‘Yung Blood vs Duty?” kaswal na tanong ni Dyosa Pockoh.

“Ang dinig ko nga medyo hindi kasundo ni Bela ang mga staff.  Hindi naman lahat pero may mga staff na hindi nga kasundo.

“Alam mo ‘yan ang tinuturo ko sa workshop sa mga baguhan na kailangan unang tuntong n’yo ng teleserye dapat maganda, magaan ang dating n’yo sa staff, dapat mabait kayo sa staff.  Kasi ang mga PA na ‘yan, mga production assistants (ay) lalaki silang tao someday.  Magiging EP (executive producer), supervising producer, production manager.  Pag kayo namarkahan n’yan dahil maldita kayo kahit sa pitching wala butata kayo,” paliwanag ng host.

Balik usapan kay Robin ay sinabi ni Ogie, “again hindi natin in-invalidate ‘yung narrative ni Bela dahil opinyon niya ‘yun sa kanyang tito Robin.”

Sabi rin ni mama Loi, “saka we can always agree and disagree pero ‘yun nga lang gaya ng sinabi moa no bang mas matimbang blood vs duty?  Ay may branding, ha, ha, ha, JRB (sabay bati sa business unit head).  Nag-guest tayo diyan, napanood nyon a po ba?”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Bela o ng kampo niya.

The post Bela Padilla friendship over na kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, anyare!? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Bela Padilla friendship over na kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, anyare!? Bela Padilla friendship over na kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, anyare!? Reviewed by pinoyako on May 27, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close