BREAKING NEWS

Ogie Diaz pinuri si Tito Sotto: Kinabog ng sinasabin nilang ‘comedian’ lang

Ogie Diaz pinuri si Tito Sotto: Kinabog ng sinasabin nilang 'comedian' lang

NAGLABAS ng saloobin ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa mainit na eksena sa Senado matapos nagkainitan sina Sen. Tito Sotto at Sen. Rodante Marcoleta.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ng komedyante ang isang mahabang komentaryo na pumupuri sa paghawak ni Sotto sa isang Senate plenary session na umano’y naging tensyonado matapos mag-walk out ang mga minority senator mula sa session hall.

“Akala ko ba magaling sa rules?” —Sen. Tito Sotto,” panimula ni Ogie.

Aniya, tinalo pa ni Sotto ang mga senador na nakapagtapos ng abugasya.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz may patutsada kay Rodante Marcoleta: Takot ‘yan

“Mga abogado, kinabog ng sinasabi nilang ‘comedian lang’. Actually, mas nakakatawa yung mga nagpipilit,” hirit pa ni Ogie.

Umani naman ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol ang pahayag ng showbiz insider.

“A comedian who knows the rules perfectly versus a lawyer who looks like a clown for not knowing them… Now, who’s laughing?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Slay! Mabuhay ang SB11…heads high with pride and dignity.”

“Naisahan ang abugado! Kaya mainit ang ulo nila!” sey naman ng isa.

The post Ogie Diaz pinuri si Tito Sotto: Kinabog ng sinasabin nilang ‘comedian’ lang appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Ogie Diaz pinuri si Tito Sotto: Kinabog ng sinasabin nilang ‘comedian’ lang Ogie Diaz pinuri si Tito Sotto: Kinabog ng sinasabin nilang ‘comedian’ lang Reviewed by pinoyako on May 27, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close