Boy Abunda super happy sa pagpapaaral kina Kaori Oinuma, Aljon Mendoza
SOBRANG proud ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang dalawang celebrity scholars na sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza.
Sa kanyang YouTube channel ay napag-usapan nila ang journey ng dalawang ex-PBB housemates habang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista.
Ang dalawang scholar ni Boy ay kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Women’s University sa Maynila. Si Kaori, na kumukuha ng kursong Psychology habang si Aljon naman ay Marketing Management.
Pagbabahagi ni Kaori, sobrang happy siya sa kanyang pag-aaral sa nnaturang unibersidad dahil sobrang considerate ang mga ito.
Baka Bet Mo: Boy Abunda kay Alvin Aragon: You cannot impose your faith
“Sobrang welcoming nila, sobrang considerate nila when it comes to schedule namin. Yung mga professors namin, madaling pakiusapan–– kung meron kaming mga late submissions or mga absences,” kuwento ni Kaori kay Boy.
Samantala, ibinahagi naman ni Aljon ang kanyang karanasan bilang isang irregular student, at inaming naging mahirap para sa kanya ang pag-aadjust sa mga kaklaseng mas nauna na sa kanilang academic journey.
“Na-enjoy ko pero may mga challenges din. Irregular student kasi ako so may mga classmates ako na nauna mag graduate sa akin tapos iba nanaman yung classmate ko–– medyo mahirap mag adjust sa environment kumbaga,” pag-amin ni Aljon kay Boy.
Labis nga ang pasasalamat ng dalawa dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanila ng batikang TV host.
“Parati kong sinasabi magpaaral ka ng isa. Halimbawa, napagtapos mo ang iyong kapatid o di kaya isang kaibigan, anak ng isang kumare ng nanay–– basta meron isang mag tapos, masaya na ako dun,” pagbabahagi ni Boy.
Sa ngayon ay naghahanda si Kaori para kumuha ng Psychometricians Licensure Examination, habang plano naman ni Aljon na mag-focus sa kanyang career at manatiling bukas sa mga bagong oportunidad.
The post Boy Abunda super happy sa pagpapaaral kina Kaori Oinuma, Aljon Mendoza appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 27, 2026
Rating:

No comments: