Alex Calleja nalilito, napipikon ba ang Diyos pag ginamit sa joke?
TINANONG ng komedyanteng si Alex Calleja ang mga netizen kung may mga pagkakataon kaya na napipikon ang Diyos sa pinaggagagawa ng mga tao.
Aminado si Alex na medyo nalilito na raw siya sa usapin tungkol sa pagbanggit sa salitang “Diyos” sa pagbibitiw ng mga joke o biro na hindi naman foul o nakaka-offend.
Hirit ni Alex sa kanyang social media post, “Kapag nababanggit ang salitang Diyos sa joke na hindi naman foul, maraming nagcocomment na ‘wag mong gagamitin ang pangalan ng Diyos sa biro dahil may mangyayari sayo na masama.'”
Pagpapatuloy ng komedyante, “Medyo dito ako nagkakaroon ng kalituhan. Napipikon ba ang Diyos? Diba ang pikon ay damdamin ng isang tao.
“Hindi kaya ang napipikon ay ang tao para sa Diyos? Kasi ang Diyos ay hindi tao. Makapangyarihan siya,” ang punto pa niya.
Tanong pa niya sa mga netizens, “Hindi ko maisip na mapipikon siya sa isang joke para parusahan ang isang tao. Kapag nagkasala ka nga pinapatawad ka eh joke pa kaya?
“Ano ba ang masasabi niyo dito? Sana may sumagot na Pari o kaya mula sa iba’t ibang religion. God bless sa mga sasagot,” sey pa ni Alex.
In fairness, maraming sumagot na question ng veteran comedian at karamihan sa kanila ay nag-post pa ng Bible verse kabilang na ang Exodo 20:7 at Deuteronomio 5:11 na nagsasabing huwag banggitin ang ngalan ng Diyos sa mga walang katuturang bagay at kalapastanganan.
Narito ang ilan sa reaksyon ng mga nakabasa sa post ni Alex:
“For me, If someone uses ‘sabi ni Lord…’ in a teasing or manipulative way, it can feel disrespectful or uncomfortable especially if you value reverence toward God. Reverence is personal to—what feels harmless to one person may feel inappropriate to another. Gets ko joke lang, pero medyo uncomfortable ako kapag ginagamit si Lord sa ganung paraan. God bless us all.”
“Sagrado ang pangalan ng Diyos. Kung hindi mo Siya papapurihan o pasasalamatan o hihingi ng tawad, huwag mo na lang banggitin.”
“Una sa lahat, gaya ng sabi ng ilan dito, Do not use the name of the Lord sa mga walang kapararakang bagay. Ang paggamit sa Diyos sa ‘joke’ ay isang halimbawa nito. Kahit nga ang simpleng ‘OMG’ ay di talaga angkop.”
“Yes. Loving at forgiving ang Diyos pero wag din nating kalimutan na siya ay Diyos. Just. Hindi siya kung sino lang na tao.”
“Dahil sa ibat ibang perception ng tao hindi siya akma sa panahon ngayon. dahil tatamaan mo yung paniniwala nila. hindi siya nakakatuwa para sa iba. maghanap nalang ng alternatibo marami naman pwede gawing joke na magpapasaya.”
Kasunod nito, nag-thank you naman si Alex sa mga naglaan ng oras na sumagot sa kanyang question.
“Salamat sa lahat ng maayos na sumagot. Nakatulong sa kalituhan ko.
“Yung mga sumagot na akala mo napakarumi ko at napakalinis niyo, mga may insulto pa, salamat din kasi natuto ako na hindi kayo tularan,” hirit pa ni Alex Calleja.
The post Alex Calleja nalilito, napipikon ba ang Diyos pag ginamit sa joke? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 28, 2026
Rating:

No comments: