Jinggoy Estrada kinasuhan ng plunder, graft sa Sandiganbayan
INIHAIN na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong pandarambong at katiwalian laban kay Senator Jinggoy Estrada.
Ang mga kaso ay kaugnay sa alegasyon na tumanggap ng komisyon ang senador sa inilaan na pondo sa isang flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada: Sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito
Kapwa akusado ni Estrada si dating Public Works and Highways Manuel Bonoan.
Paulit-ulit nang pinabulaanan ng senador ang alegasyon at aniya naglabas na rin ng sertipikasyon ang Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office na wala siyang “budget insertion” sa 2025 General Appropriations Act.Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong nakaraang Martes ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Estrada.
The post Jinggoy Estrada kinasuhan ng plunder, graft sa Sandiganbayan appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 28, 2026
Rating:

No comments: