Robin iniangat si Bato: Mas marami ang boto niya kesa sa marami sa inyo
MULING ipinagtanggol ni Sen. Robin Padilla ang kanyang BFF na si Sen. Bato dela Rosa sa lahat ng kumokondena sa pagtakas at pagtatago nito.
Binengga ng action star at politiko ang mga nagsasabing hindi dapat payagan ng Senado ang isinusulong ng majority block ang pagdalo ni Bato sa mga sesyon ng plenaryo sa pamamagitan ng online attendance.
Nag-post si Padilla sa kanyang Facebook page ngayong araw, May 28, at ipinagdiinan na hindi raw kagustuhan ni Dela Rosa na hindi pumasok sa Senado nang personal.
Ito’y dahil na rin sa standing arrest warrant laban sa senador na inisyu ng International Criminal Court (ICC).
“Si Bato ay wanted ng ICC, hindi niya gusto na hindi siya pumapasok.
“Malayong magkaiba yun ayaw pumasok dahil isasakay sa eroplano at dadalhin sa dayuhang bansa at ikulong!” simulang pahayag ni Sen. Robin.
Hirit pa niya, isa raw sa mga pinakamasipag na senador si Bato lalo na kung ang pag-uusapan ay ang attendance nito sa mga plenary session.
Kaya sana raw ay payagang makapagtrabaho ang senador sa pamamagitan ng electronic platforms o online.
“Iniluklok siya ng (taumbayan) na maging senador hayaan natin siyang magtrabaho para sa (taumbayan) sa pamamagitan ng online.
Ang punto pa niya, “Saan ba hindi maliwanag? Hindi kagustuhan ni Bato ang hindi pumasok. Maging sinoman na senador hanggat walang final conviction ibig sabihin hindi pa kriminal ang tao kayat dapat gawin niya ang mandato niya dahil ibinoto siya ng mga Pilipino.
“Number 3 nga yan eh. Mas marami ang boto niya kesa sa marami sa inyo. Sinasaklawan n’yo ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng (taumbayan) para maging boses nila.
“Wag natin gulohin ang mga Pilipino. Mas Marami ang bumoto sa kanya para manungkulan. Gamitin ang technology para magampanan niya ito,” dagdag pang pahayag ng mister ni Mariel Rodriguez.
The post Robin iniangat si Bato: Mas marami ang boto niya kesa sa marami sa inyo appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 28, 2026
Rating:

No comments: