Donny Pangilinan nanligaw kay Belle Mariano: Grabe effort ko nu’n
TIMBOG ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan sa panggigisa ng Unkabogable star na si Vice Ganda hinggil sa relasyon nila ng kapwa Kapamilya star na si Belle Mariano.
Masayang nagkulitan at nagkuwentuhan ang tatlong Kapamilya stars habang nag-ro-roadtrip nang walang eksaktong destinasyon.
Habang nagkukuwentuhan, nausisa ni Vice si Donny kung matagal ba niyang niligawan si Belle.
“Matagal mong niligawan si Belle? Na-enjoy mo ‘yung panliligaw mo kay Belle?” tanong ni Vice.
Baka Bet Mo: Belle Mariano, Donny Pangilinan hugot na hugot sa ‘paghihiwalay’: TYSM!
Tila natahimik naman si Donny sa tanong at nag-iisip kung paano sasagutin ang tanong sa kanya ng TV host-comedian.
Hindi man diretsahang inamin ng binata ay nagkuwento ito kung ano ang mga ginawa niya para kay Belle.
“Pero grabe ‘yung effort ko nun. I think binigay ko naman ‘yung kaya kong ibigay,” sabi ni Donny na sinang-ayunan naman ni Belle.
Pagpapatuloy niya, “Syempre, first time ko ‘yun na mang […] First time ko na ganoon ka-effort and we are in the middle of so many things so parang kailangan mo pang isipin ‘yun. For me kasi hindi na effort ‘yun. Parang gusto ko lang din gawin.”
Ibinahagi rin ni Belle ang appreciation niya kay Donny dahil dinadayo siya nito sa Antipolo kahit sa Laguna pa ito nakatira.
Showing na ngayon sa mga sinehan ang pelikula ng dalawa na “Tayo Sa Wakas” directed by Cathy Garcia-Sampana.
The post Donny Pangilinan nanligaw kay Belle Mariano: Grabe effort ko nu’n appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 28, 2026
Rating:

No comments: