BREAKING NEWS

Birthday greeting ni Vico Sotto kay Coney Reyes, kinaaliwan ng netizens

Birthday greeting ni Vico Sotto kay Coney Reyes, kinaaliwan ng netizens

ALIW na aliw ang madlang netizens sa pagbati ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa nagdiriwang ng kaarawang ina na si Coney Reyes.

Sa kanyang Facebook page, ibinandera ng alkalde ng Pasig City ang isang video ng ina habang karga karga siya nito noong siya’y baby pa.

“Happy Birthday, Mama [heart emoji]. What were you like in the 90s?” nakalagay sa video greeting ni Vico.

Tila bentang-benta naman sa followers ng alkalde na imbes na si Coney ang may iba-ibang picture, ang larawan ng alkalde ang nag-iba-iba mula pagkabata hanggang pagtanda.

Baka Bet Mo: Vico Sotto nagbabala: Huwag nating kagatin propaganda ng mga Discaya!

Agad namat umani ng samu’t-saring reaksyon at komento ang naturang greeting ni Vico para sa ina.

“sinubukan ko naman ung best kong mag [heart] react mayor pero mas nanaig kasi ung tawa ko.. pasensya na po,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Grabe talaga editing skills mo, Mayor Vico! Maski capcut mahihiya e. Btw, happy birthday po sa mama mo!”

“born to be an editor, forced to be a mayor,” hirit naman ng isa.

The post Birthday greeting ni Vico Sotto kay Coney Reyes, kinaaliwan ng netizens appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Birthday greeting ni Vico Sotto kay Coney Reyes, kinaaliwan ng netizens Birthday greeting ni Vico Sotto kay Coney Reyes, kinaaliwan ng netizens Reviewed by pinoyako on May 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close