BREAKING NEWS

Erwin Tulfo nanindigan, kapangyarihan nagmula sa mga tao: The people are our bosses

Erwin Tulfo nanindigan, kapangyarihan nagmula sa mga tao: The people are our bosses

IGINIIT ni Sen. Erwin Tulfo na mula sa mga mamamayan ang kanilang kapangyarihan bilang mga senador at nakakahiya kung papayagan nilang makaboto at makadalo sa sesyon ang ilan sa kanilang mga kasamahang senador sa pamamagitan ng video conference.

Sa kanyang panayam sa “Dateline Philippines” ng ANC nitong Miyerkules, May 27, sinabi niyang nakakahiyang payagan ang panukala ni Marcoleta gayong galing sa tax ng taumbayan ang kanilang natatanggap na sahod.

“I described it only… nakakahiya. I mean our salary is ₱300,000 plus allowances, etc. These are the money of the people, these are coming from the taxes,” saad ni Tulfo.

Pagpapatuloy niya, “Yet we’re privileged like nakakahiya na you don’t go to work but you pay us—you, the tax payers pay us—they have to grind.” 

Baka Bet Mo: Erwin Tulfo ipinasisilip online gambling ads sa Facebook, TikTok

Lahad pa ni Tulfo, ang mga normal na manggagawa ay kinakailangang personal pumasok sa trabaho araw-araw kahit na may sakunang nangyayari kaya hindi nila papayagan na may mga senador na hindi dadalo nang personal sa kanilang sesyon.

“They have to go to work every single day… storms, typhoons, floods, they must report for work. Otherwise they won’t get paid. While us, is it because we’re senators, we don’t need to attend the session and go to work? Papaano po ‘yong our bosses?

“The people are our bosses. The masa, the sweeper, the janitor, the guards, everybody are our boss because they elected us. Our powers emanate from the public. So we have to respect that,” diin pa ni Tulfo.

Aniya, kung ang mga ako nila ay nagtatrabaho, dapat ang mga gaya nilang public servant ay ganoon rin at hindi lang basta nagpapasarap sa puwesto.

“These are the people paying our salaries. And yet for us, in the comforts of our home, airconditioned, we don’t need to go to the Senate for session kasi puwede ang teleconferencing, video conferencing, why? Kaya nga we object to it. Nakakahiya,” pagtatapos ni Tulfo.

Matatandaang nag-walk out sa plenaryo ng Senado ang mga miyembro ng minority bloc noong Martes, May 26, 2026, dahil sa naging mainit na tensyon nila sa majority bloc kaugnay sa tila minamadali umanong pag-amyenda sa Senate Rules. 

Kaugnay ito ng inapelang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta sa Senado noong May 11 na payagang makaboto at makadalo sa kanilang sesyon ang mga senador sa pamamagitan ng videoconference o paggamit sa electronic platforms.

The post Erwin Tulfo nanindigan, kapangyarihan nagmula sa mga tao: The people are our bosses appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Erwin Tulfo nanindigan, kapangyarihan nagmula sa mga tao: The people are our bosses Erwin Tulfo nanindigan, kapangyarihan nagmula sa mga tao: The people are our bosses Reviewed by pinoyako on May 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close