6 na ang patay sa pagbagsak ng gusali sa Angeles City, Pampanga
UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng 9-story building sa Barangay Balibago, Angeles City sa Pampanga.
Ito ay matapos makuha ng mga responder ang isa pang bangkay nitong Biyernes ng madaling-araw, May 29.
Ayon sa mga awtoridad, bandang 12:40 a.m. nang marekober ang panibagong biktima mula sa gumuhong gusali.
Baka Bet Mo: 26 nasagip sa gumuhong 9-storey building sa Pampanga
Nauna rito, bandang 9:00 p.m. nitong Huwebes, May 28, nakumpirma ng mga responder ang isa pang katawan habang nagpapatuloy ang retrieval operations sa delikadong bahagi ng disaster site.
Ang pagkakadiskubre sa ikaanim na nasawi ay nangyari wala pang isang araw matapos makuha ng rescuers ang ikalimang biktima sa lugar makaraang halos 14 oras na retrieval operations sa Sector 1 ng collapse area.
Patuloy pa rin ang operasyon ng mga responder mula nang gumuho ang under-construction na gusali noong May 24.
Ilang manggagawa ang naiulat na na-trap sa ilalim ng mga tipak ng semento, bakal, at scaffolding na bumagsak kasabay ng insidente.
The post 6 na ang patay sa pagbagsak ng gusali sa Angeles City, Pampanga appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 28, 2026
Rating:

No comments: