Lalaki nagpanggap na survivor sa Pampanga para sa ayuda, timbog
HULI ang isang lalaki na nagpanggap na survivor sa gumuhong gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga para makakuha ng ayuda.
Matatandaang noong Linggo, May 24, bandang alas-tres ng madaling araw nang gumuho ang ginagawang nine-storey building.
Nag-viral ang lalaki sa social media matapos nitong ihayag na nakaligtas siya umano sa insidente.
Kuwento niya, bumibili siya ng alak nang mangyari ang pagguho ng gusali.
Baka Bet Mo: 26 nasagip sa gumuhong 9-storey building sa Pampanga
Ngunit ayon sa Angeles City Information Office (ACIO) nitong Biyernes, May 29, lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na hindi pala tunay na survivor ang naturang lalaki at hindi rin ito biktima ng insidente.
Nakakuha pa nga raw ito ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkules, May 27.
“Suspicion arose after he allegedly attempted to claim additional assistance, prompting authorities to verify his identity and background,” saad ng ACIO.
Dagdag pa nila, “Further investigation conducted by ACPO (Angeles City Police Office) confirmed that the individual was neither a survivor nor connected to any of the victims of the incident.”
Natuklasan din nila na hindi residente ang lalaki sa Angeles City.
Kalaunan, inamin naman ng lalaki na inimbento lang niya ang kanyang kuwento.
The post Lalaki nagpanggap na survivor sa Pampanga para sa ayuda, timbog appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 30, 2026
Rating:

No comments: