Anak ni Jinggoy nasaktan, napaiyak matapos maipit sa gitgitan sa Sandiganbayan
PARANG eksena sa pelikula ang video na napanood namin sa social media nang lumabas si Sen. Jinggoy Estrada sa elevator na pinagkakaguluhan ng TV reporters.
Kasama ng senador ang mag-ina niyang sina Gng. Precy Vitug–Estrada, panganay na anak na si dating San Juan City Vice Mayor Janella Marie Ejercito Estrada at bunsong si Julienne ‘Jill’ Ejercito, na nagpunta ng Sandiganyan Bayan Second Division Clerk of Court para mag-post ng bail ang senador na aabot sa P90,000 para sa kasong plunder at graft.
Mapapanood sa video na pinatatabi ng mga security ng gusali ang TV reporters at media para mabigyan daan si senador Jinggoy at mag-ina niya nang marinig na may sumigaw na, “ano ba!” at nang simpleng kunan ng TV camera ay si Janella ang sumigaw kasi nga hindi na sila makadaan at ginigitgit sila.
Tumalima naman ang security at kaagad pinagsabihan ang mga gustong mag-interview kay Sen. Jinggoy.
Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada pinapipili kung susuko nang kusa, may problema sa tuhod
Makikitang papasok na ng kwarto ang grupo nang biglang may sumigaw at nag-iiyak at nakitang yakap-yakap ni Gng. Percy ang anak na si Jill.
Ang caption ng video ni Joseph Morong ng GMA News ay naipit daw ang bunsong anak at nasaktan dahil sa gitgitang naganap kahapon, May 29, sa Sandiganbayan.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1781255190299849%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
At pagpasok sa isang kwarto ay makikitang nakaupo na ang senador habang naghihintay at nakatayo naman ang anak na si Janella.
May nagkomentong netizen tungkol sa pagkakaipit sa gitgitan ni Jill, ““HAHAHAHAHAHA para ayan lang? Araw-araw naming kinakaharap ‘yan sa byahe. Pwe!”
“Nakakaawa diba? Samantalang ang mga Pilipino araw araw naiipit ng traffic. Marami na ring nalunod sa baha kahit kunting ulan lang. Samantalng SILA, ilang dekada nagpasarap sa pera ng mga naiipit/naipit sa traffic at nalunod/ nalulunod sa baha!!!”
“Naks! parang sila pa inaapi ngayon (emoji smiling face)”
“OA kung kami nga na mananakay ng jeep nagkaipitan at halos magkapalitan pa ng muka ok lang Masaya lang na may balyahan ngani.”
“Try mo mag MRT o LRT. Arte pa. Hahaha.”
“Grabe OA haha pag nahahagip camera me paiyak at sigaw haha.”
Iba’t ibang komento ng netizens ang nabasa namin sa Facebook account ng GMA TV reporter na pawang hindi maganda at ang iba ay personal na bira pa.
Samantala, may hiling daw si Senador Jinggoy, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.
“Ang concern niya ay ‘yung tuhod niya na kailangan ng knee replacement [surgery]. Sabi ko, it’s beyond our jurisdiction…sa Sandiganbayan na lang siya magpapaliwanag,” sey nito sa reporters.
The post Anak ni Jinggoy nasaktan, napaiyak matapos maipit sa gitgitan sa Sandiganbayan appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 29, 2026
Rating:

No comments: