BREAKING NEWS

It’s Showtime hosts nag-walkout, kumanta ng ‘Tatsulok’; patama sa gulo sa Senado?

It's Showtime hosts nag-walkout, kumanta ng 'Tatsulok'; patama sa gulo sa Senado?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang ginawang pag-wo-walkout ng mga “It’s Showtime” hosts sa isang segment ng programa.

Sa “Laro Laro Pick” segment nila kung saan huhulaan ng mga contestant kung ano ang titulo ng kantang mababanggit sa kanilang pag-arte, kapansin-pansin sa isang skit ang pagkakahawig sa nakaraang pangyayari sa Senado.

Baka Bet Mo: Trulili ba, ilang host ng ‘It’s Showtime’ matsutsugi na? 

“Hindi pula’t-dilaw tunay na magkalaban. Ang kulay at tatak ang ‘di siyang dahilan. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan at ang hustisya ay para lang sa mayaman. Habang may gobyernong bulok, at sila ang nasa tuktok, di matatapos itong gulo,” sabi ni Lassy.

Makikita naman sa likod niya ang unti-unting pag-alis o pag-walk out na sinumulan ni MC Muah, Vhong Navarro, Kim Chiu, Darren Espanto, Jackie, Cianne, Karylle, at ng iba pang madlang pipol.

“Ah, mahirap kasi kung wala po tayong legal background,” sabi pa ni Lassy na tila ginagaya ang pahayag ni Sen. Marcoleta.

Sunod naan sumagot ang isa pang “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario at sumigaw ng: “Point of order! Ad hominem!” na tumutugma sa pahayag naman ni Sen. Erwin Tulfo.

Matapos ngang masagot ng contestant ang “Tatsulok” ay biglang pinatugtog ang kanta na sinabayan naman ng mga hosts at ng madlang pipol.

“Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan. At ang hustisya ay para lang sa mayaman. Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok. Di matatapos itong gulo,” gigil na kanta ng It’s Showtime hosts at madlang pipol.

Sey pa ni Vice Ganda, “Isigaw n’yo yan, madlang pipol!”

Umani naman ng samu’t-saring komento ang naturang segment ng “It’s Showtime”.

“Hahahaha ganyan kalaro laro yung Senado ngayon! Kung naooffend sila, eh di ayusin nila yung mga sarili nila. We don’t deserve the government service that they are giving us,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “wahahah it’s showtime throwing shade.”

“Hahahaha… ang laugh namin dito while watching it kanina! Infairness sa mga writers nila ang brave at napapasok pa nila yan ganyan skit,” sey naman ng isa.

Matatandaang naging mainit ang plenary debate sa pagitan ng mayorya at minorya sa Senado dahil sa tila pagmamadali na mabago ang Senate rules para maging pabor na makapagtrabaho online si Sen. Bato dela Rosa na kasalukuyang pinaghahahanap ng batas.

The post It’s Showtime hosts nag-walkout, kumanta ng ‘Tatsulok’; patama sa gulo sa Senado? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
It’s Showtime hosts nag-walkout, kumanta ng ‘Tatsulok’; patama sa gulo sa Senado? It’s Showtime hosts nag-walkout, kumanta ng ‘Tatsulok’; patama sa gulo sa Senado? Reviewed by pinoyako on May 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close