Ira Pablo may pasabog tungkol kay Apple David, mahilig talaga sa bata?
BINANATAN ng dating Phili Philippine Basketball Association (PBA) reporter na si Ira Pablo ang kontrobersiyal na si Apple David matapos nitong aminin ang pagdyowa niya sa 18-year-old basketball player na si Chad Gammad.
Sa Facebook post ng dating PBA reporter ay tahasan itong naglabas ng pahayag hinggil sa isyu ng kontrobersyal na courtside reporter.
“EVERYBODY knows how Apple David behaves around players. Wag na tayo maglokohan dito. Panahon palang ng daddy ko, she’s been around,” saad ni Ira na anak ng retired PBA player na si Victor Pablo.
Pagpapatuloy niya, “I’m so surprised ngayon lang to lumabas after all these years and ironically, because she exposed herself AGAIN.”
Baka Bet Mo: Apple David tinawag na ‘predator’, pumalag sa bashers nila ni Chad Gammad
Chika pa ni Ira, si Apple raw ay produkto ng “broken system” na pinararangalan ang mga maling gawi.
“THIS WOMAN is the sports journalist networks choose to put on television to represent the league. She’s a product of a broken system that keeps rewarding the wrong behavior.
“Here’s your most valued and longest-running PBA courtside reporter. Professionalism left the group chat,” sey pa ni Ira.
Sa comment section ay sinagot niya ang netizen at sinabing mahilig talaga sa mas bata sa kanya si Apple.
“She’s been attracted to younger men years ago. Vocal rin siya about it. Di ko lang akalain na 18 years old,” reply ni Ira sa isang komento.
Sa ngayon ay deleted na ang naturang post ng dating PBA reporter.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Apple sa naging post ni Ira.
Matatandaang nag-trending si Apple matapos lumabas ang chikang dine-date niya ang batang basketbolista.
Humingi naman ng sorry ang courtside reporter sa mga nasaktan sa relasyon nila ni Chad matapos pumutok ang isyu at humiling ng respeto mula sa publiko.
The post Ira Pablo may pasabog tungkol kay Apple David, mahilig talaga sa bata? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 29, 2026
Rating:

No comments: