BREAKING NEWS

Gordon sinabing planado ng mayorya gulo sa Senado: To protect the queen?

Gordon sinabing planado ng mayorya gulo sa Senado: To protect the queen?

NANINIWALA ang dating senador na si Richard “Dick” Gordon na planado ang mga sunud-sunod na nangyayari sa Senado magmula raw noong maihatid ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa naging panayam nitong Huwebes, May 28, sinabi niyang may “game plan” daw ang majority bloc ng Senado para lituhin ang publiko sa impeachment case ng bise presidente

“Meron silang game plan. That is to confuse the public and to make sure that they can stop the impeachment,” saad ni Gordon.

Aniya, ilang buwang nagtago at hindi dumalo si Sen. Bato dela Rosa sa sesyon sa Sendo pagkatapos ay bigla na lang itong lilitaw para sa naganap na kudeta.

Baka Bet Mo: Dick Gordon trending sa social media, di na bet iboto ng ‘Kakampinks’

“Siya ang nagsabi. Hinulog niya si Cayetano under the bus. Ang sabi niya, pinapunta siya ni Cayetano para sa ganoon, magkaroon ng reorganization,” pagpapatuloy ni Gordon. 

Matatandaang matagumpay na nakakuha ng 13 na boto si Sen. Alan Peter Cayetano at naagaw ang pwesto bilang Senate President mula kay Se. Tito Sotto.

Buwelta ni Gordon, isang grupo lang daw ang mga bumubuo ng majority bloc at gusto umani nitong protektajab ang kanilang “queen” mula sa kinakaharap na reklamo.

“Isang team lang sila, e. Gusto nila to protect their queen. Pagdating doon, alam na nilang aalisin. So kung ano-ano ang pinaggagawa nila. 

“Habulan, sipaan, biglang pumasok ‘yong NBI, NBI is there to perform their lawful duty. Later on, gumawa na sila ng kabalbalan,” sabi pa ni Gordon.

Nabanggit rin ng dating senador ang nangyaring tenstin kung saan nagkaroon ng putukan sa Senado noong May 13 na nagsimula sa opisyal ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA). 

“Samakatuwid, talagang plinano nila pati ‘yong hindi pagre-report, pati ‘yong panggugulo… at ang nangyari talagang nasira na nang nasira ang situation sa Senado,” giit ni Gordon. 

Pagpapatuloy niya, hanggang sa sunod-sunod na raw na mga bangayan, awayan, at sigawan ang nangyari sa Senado na hindi naman daw karapat-dapat. 

“Hanggang araw-araw. Pati ‘yong away ni Padilla at saka ni Pangilinan, at ibang nangyayari sa Senado na hindi karapat-dapat. Nagsisigawan at talagang nakakalungkot,” hirit pa ni Gordon.

The post Gordon sinabing planado ng mayorya gulo sa Senado: To protect the queen? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Gordon sinabing planado ng mayorya gulo sa Senado: To protect the queen? Gordon sinabing planado ng mayorya gulo sa Senado: To protect the queen? Reviewed by pinoyako on May 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close