BREAKING NEWS

Jemay Santiago naabot ang pangarap na maging singer dahil sa fan: ‘Tinulungan ako!’

Jemay Santiago kaya natupad ang pangarap na maging singer: 'May fan na tumulong!'
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

SINO ba naman ang mag-aakala na isang simpleng fan message ang magiging tulay para tuluyang pasukin ni Jemay Santiago ang mundo ng musika?

Bago pa man siya makilala bilang content creator at rising R&B artist, isa lang si Jemay sa batang mahilig kumanta, magsulat ng lyrics, at mangarap na someday ay magiging tunay na musician.

Sa naging panayam ng BANDERA, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang kanyang pagmamahal sa music, pati na rin kung paano siya na-push ng isang fan mula Davao para seryosohin ang pangarap niya.

“I’ve always been musically inclined ever since I was young. Kumakanta na daw ako, parang wala pa akong 2 years old,” kwento ni Jemay sa amin.

Baka Bet Mo: Jemay Santiago umamin sa mental health struggles sa ‘1A’; dream collab natupad na!

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0N2zoM7WrPgTpPb934tT5eN1XT2So5LRqDKyngEZ2EMno91Q2ZVUYAmtqWFTnRByDl&show_text=true&width=500" width="500" height="773" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Dagdag pa niya, 15 years old siya nang matuklasan niyang kaya pala niyang gumawa ng sariling kanta.

“Meron akong diary tapos doon ko nilalahad yung nararamdaman ko. Eh since madaldal akong tao tapos mahilig akong kumanta, gumagawa ako ng sarili kong tono,” chika niya.

Nakakatuwa ring balikan para sa rising R&B singer ang mga panahong nag-iisa siyang nagli-lip sync sa kwarto, habang iniisip na isa siyang sikat na performer.

“I was a young kid at that time, and then pakiramdam ko bawat sulok at corner ng room merong CCTV. Tapos nagli-lip-sync lang ako. Pakiramdam ko musician ako,” pag-alala niya.

Hindi raw niya akalaing balang araw ay matutupad talaga ang ini-imagine niyang buhay: “Little did I know, magiging ako pala yun by 19 years old.”

Pero bago tuluyang mapasok ang music industry, nauna munang sumikat si Jemay bilang content creator.

“Nagstart ako mag-content when I was 16 [years old], I believe. Pero nag-work yung pagiging content creator ko as a vlogger sa YouTube when I was 18 years old with my past relationship,” kwento niya.

Habang lumalago ang kanyang online career, lihim naman siyang gumagawa ng sariling musika hanggang isang fan ang nakapansin sa kanyang talento.

“Hindi ko pa siya ina-out sa public. Kumbaga, meron akong fan. Her name is Candice from Davao,” pagbubunyag niya.

Ayon kay Jemay, matapos siyang mapanood ng naturang fan habang kumakanta sa live stream, doon nagsimula ang lahat.

“And then, kinausap niya akong sabi niya sa akin, ‘Marunong ka palang gumawa ng kanta. Narinig kitang mag-live tapos kumakanta ka. Kanta mo ba yun?’ So sabi niya, ‘Meron akong kilalang producer. Ako mag-i-sponsor sa’yo. Gumawa ka ng kanta. I-release mo sa Spotify. Kailangan marinig ng buong mundo yung kanta mo, yung boses mo’.’ So doon, na-inspire ako. I took the opportunity…I think that was 2020,” pagbabahagi ni Jemay.

Hindi nagtagal, sunod-sunod na ring lumapit ang record labels sa kanya habang nagtatrabaho siya noon bilang English teacher at content creator sa Thailand.

Gayunpaman, aminado si Jemay na pansamantala niyang naisantabi ang pagiging musician dahil kailangan niyang kumita at magtrabaho.

Pero ngayong taon, pakiramdam niya ay panahon na para balikan ang kanyang tunay na passion.

“So nito lang talaga ako bumalik, which I feel like I have to na talaga. Kasi ito talaga ‘yung pangarap ko eh. Musician talaga,” sambit ng content creator.

Kamakailan lang, ni-release ni Jemay ang kanyang bagong single na “1A,” isang emotionally raw R&B track tungkol sa kanyang personal struggles, self-doubt, at mental health journey.

Ang bagong single ay bahagi ng kanyang upcoming EP na “Depresyon,” kung saan mas makikilala pa ng listeners ang totoong Jemay sa likod ng social media image at virality.

The post Jemay Santiago naabot ang pangarap na maging singer dahil sa fan: ‘Tinulungan ako!’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Jemay Santiago naabot ang pangarap na maging singer dahil sa fan: ‘Tinulungan ako!’ Jemay Santiago naabot ang pangarap na maging singer dahil sa fan: ‘Tinulungan ako!’ Reviewed by pinoyako on May 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close