BREAKING NEWS

Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa Sunday market, lantaran na yarn!?

Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa Sunday market, lantaran na yarn!?
Kathryn Bernardo at Mark Alcala

SPOTTED uli na magka-date ang rumored couple na sina Kapamilya star Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala.

Kalat na sa social media ang mga litrato nina Kat at Mark na magkasama na rumarampa sa isang Sunday market nitong nagdaang April 26.

Sa mga nasabing photos, makikita ang dalawa na napakatamis ng ngiti sa isa’t isa habang nasa tapat ng store ng butterfly squids.

Wala namang nabanggit sa mga caption ng litrato kung saan kuha ang mga ito pero ang malinaw, ayon sa netizens, tila lantaran na nila ngayong ipinakikita ang kanilang relasyon sa publiko.

Kung matatandaan, naipatan din sina Kathryn at Mark na nagbakasyon together sa Thailand at Bhutan noong Holy Week.

May mga pictures na kumalat sa social media kung saan nakunan sila habang pababa ng escalator sa EmSphere Mall sa Bangkok, Thailand.

Bukod dito, nagtungo rin ang rumored couple sa Bhutan after nilang maglamyerda at magpakaligaya sa Thailand.

May mga post si Kathryn last April 14 sa kanyang Instagram page ng mga hiking photos niya na kuha sa Bhutan, pero wala sa mga ito si Mayor Mark.

Noong March naman, may kumalat ding video sa socmed kung saan spotted sila na namimili sa isang mall. Nakasuot pa that time si Kath ng eyeglasses at facemask.

Until now ay hindi pa nagsasalita ang aktres at alkalde tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero naniniwala ang madlang pipol na matagal nang magdyowa ang dalawa.

Ang huling nakarelasyon ni Kathryn sa pagkakaalam ng publiko ay ang dati niyang ka-loveteam na si Daniel Padilla na sinasabing dyowa na ngayon ang aktres na si Kaila Estrada.

The post Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa Sunday market, lantaran na yarn!? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa Sunday market, lantaran na yarn!? Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa Sunday market, lantaran na yarn!? Reviewed by pinoyako on April 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close