BREAKING NEWS

DonBelle, FranSeth, JMFyang pinagsasabong, Seth Fedelin nagsalita na

DonBelle, FranSeth, JMFyang pinagsasabong, Seth Fedelin nagsalita na
JM Ibarra, Fyang Smith, Seth Fedelin, Francine Diaz, Donny Pangilinan at Belle Mariano

PINAGSASABONG ngayon ang tatlong Kapamilya loveteams — sina Francine Diaz at Seth Fedelin (FranSeth), JM Ibarra at Fyang Smith (JMFyang) at Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle).

Sunud-sunod kasing ipalalabas sa mga sinehan ang kani-kanilang pelikula at may mga netizens ang naghuhulaan kung anong pelikula ang mas kikita at panonoorin ng madlang pipol.

Bida ang FranSeth sa romcom film na “She Who Must Not Be Named” habang ang JMFyang ay mapapanood sa “Almost Us” at ang DonBelle naman ang bibida sa “Tayo Sa Wakas”.

Sa grand mediacon ng “She Who Must Not Be Named”, natanong sina Seth at Francine kung ano ang masasabi nila sa pang-iintriga sa kanila ng mga netizens.

Sabi ni Seth, hindi niya nakikitang kumpetisyon ang sunud-sunod na pagpapalabas sa mga cinema ng tatlong pelikula.

“Siyempre we’re grateful. Kami yung unang ipapalabas tapos next ang JMFyang and DonBelle. Siyempre happy kami. 

“Happy kami na sa kabila ng estado natin sa Filipino movie industry na hirap yung films, kung paano yung energy dati ng films, kung paano manood yung mga tao sa sinehan. 

“Sa panahon ngayon, proud ako sa amin, sa aming tatlong (loveteam). Proud ako sa kung ano mang gagawin namin,” pahayag ni Seth.

Sabi pa ng aktor, kahit ano pa ang mangyari, susuportahan pa rin nila ni Francine ang mga kasabayan nilang loveteam at sana raw ay ganu’n din ang gawin ng kani-kanilang mga fandoms.

“Unang-una, magkakaiba ng story, magkakaiba ng atake yung gawa ng film. And kaming dalawa (ni Francine), we support them din kasi kapatid namin sila sa mother network po namin. 

“So kung ano ang kahihinatnan ng pelikula namin, suportado namin ang isa’t isa. 

“Lahat kami magkakaibigan at excited kami na ipalabas yung mga films namin, kanya-kanyang pinaghirapan namin, kanya-kanyang pangarap namin. 

“And we’re lucky na nakakabasa kami ng mga comments na lahat ng mga fan base ay magkakaibigan. 

“Yun, malaking bagay sa amin yun as artista, yung nagtutulungan po yung mga nagmamahal at sumusuporta sa amin. Malaking bagay po yun sa amin,” pahayag ng aktor. 

Panawagan pa ng aktor, “Sana tangkilikin po ng Pilipino yung pelikula na sariling atin. Lahat kami dito pinaghirapan namin, hindi namin pinetiks-petiks ito. 

“I’m sure, yung dalawang love teams din binigay yung best nila. And hindi lang sila, the producers. Sa tingin ko, all in and pinaghandaan,” aniya pa.

Samantala, showing na sa mga sinehan nationwide ang “She Who Must Not Be Named” simula sa April 29.

Ka-join din sa cast ng movie sina Bobby Andrews, Ruby Ruiz, Raven Rigor, Kych Minemoto, Elijah Alejo, Kaleb Ong, Abdul Raman, Lady Martin, and Bernadette Allyson. 

Executive Producers are Armie Fernandez, Owen Fernandez, Wilson Tieng and this is directed by Christopher Novabos.

The post DonBelle, FranSeth, JMFyang pinagsasabong, Seth Fedelin nagsalita na appeared first on Bandera.


Uploaded Image
DonBelle, FranSeth, JMFyang pinagsasabong, Seth Fedelin nagsalita na DonBelle, FranSeth, JMFyang pinagsasabong, Seth Fedelin nagsalita na Reviewed by pinoyako on April 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close