BREAKING NEWS

Antoinette Jadaone nirereto na sa mga bachelors ni Rodina Singh

Antoinette Jadaone ipinapakilala na sa mga bachelors ni Rodina Singh

PALAISIPAN ngayon sa madlang pipol kung totoo nga ba ang chikang kumakalat na hiwalay na ang award-winning director na si Antoinette Jadaone sa kanyang longtime partner at kapwa direktor na si Dan Villegas.

Matatandaang nauna na naming maisulat dito sa BANDERA na tila hindi na matutuloy ang kasal ng dalawa batay na rin sa naging obserbasyon na hindi na suot ng babaeng direktor ang kanyang engagement ring.

Bago pa man ito, marami na sa mga ka-eme (tawag sa mga manonood ng kanilang Ang Walang Kwentang Channel ni Direk JP Jabac) na napapansin na nila na walang suot na singsing si Direk Tonet pati na rin ang naging biro ni Fyang sa kanya tungkol sa mga ex at “12 years”.

Ngunit tila mas nakumpirma ng madlang pipol na totoong hiwalay na ang dalawa dahil sa comment ng malapit niyang kaibigan na si Rodina Singh kung saan nirereto na siya sa ibang lalaki.

Baka Bet Mo: True ba, Antoinette Jadaone hindi na pakakasalan si Dan Villegas!? 

Sa recent post ni Direk Tonet patungkol sa bago niyang creative space na pinangalanang “Palimliman” ay agaw pansin ang komento ni Direk Rodina.

“Bagong anyo bagong yugto excited kami lahat for you,” unang comment ni Direk Rodina.

Ang sumunod na pahayag nito ay ang subtle confirmation na tila hiwalay na nga ang matagal nang magkarelasyon at tinaguriang power couple sa film industry.

“PS: dito ko na dadalhin mga irereto ko sayong

eLiGiBIE bAcHeLoR na ang counterpart sa babae ay “single woman” lang hahahahaha yes ako na nagdecide na dito ka nila aakyatin ng ligaw eme hahah,” sey ni Direk Rodina kay Direk Tonet.

Sa kabila ng mga naglalabasang balita ay wala pa namang inilalabas na pahayag ang dalawang direktor hinggil sa kumakalat na chika tungkol sa kanila umanong hiwalayan.

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Direk Tonet at Direk Dan hinggil sa isyu.

The post Antoinette Jadaone nirereto na sa mga bachelors ni Rodina Singh appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Antoinette Jadaone nirereto na sa mga bachelors ni Rodina Singh Antoinette Jadaone nirereto na sa mga bachelors ni Rodina Singh Reviewed by pinoyako on April 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close