Vice Ganda sa MMFF 2026 entry: Bongga ang ka-collab ko this time!
TIKOM ang bibig ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda kung sino ang makaka-collab niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.
Last year, bukod sa pagiging number one ng entry niyang “Call Me Mother” directed by Jun Robles Lana sa MMFF ay nagwagi pa siyang Best Actor.
This year ay abangers na ang madlang pipol kung magkakaroon uli siya ng pelikula sa MMFF 2026 sa darating na December.
Nakachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media si Vice at isa nga sa natanong sa kanya kung lalaban uli siya sa MMFF ngayong taon.
“Nakailang meeting na rin naman kami. Nagbe-brainstorm kami every now and then. Nakailang meeting na kami. Bongga yung ka-collab ko this time,” ang chika ng TV host-comedian.
May mga lumabas na balita na magsasanib-pwersa raw sila ni Bossing Vic Sotto para sa MMFF 2026 pero mukhang ayaw itong ipreempt ng Unkabogable Star.
“Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nagbabasa lately. Basta, isa siyang pasabog na collab,” tugon ni Vice.
Basta ang sinisiguro niya ay bonggang-bongga ang makaka-collab niya at first time raw itong mangyayari sakaling pumasok sa taunang filmfest.
“Yeah, oo. E, kasi yun din naman… siyempre ang tagal ko na rin namang nagso-solo movie. So excited din yung mga tao na makita kung sino yung ibang puwede ko pang makasama sa pelikula,” lahad ng “It’s Showtime” host.
Hiningan na lamang si Vice ng birthday message para kay Bossing na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon, April 28.
“Happy, happy birthday, Bossing! I love you for life! Gusto mong magka-movie tayo, Bossing?” natatawang sey ng comedy icon.
Minsan na rin daw nagkrus ang landas nila ni Bossing Vic, “Last Christmas! Last Christmas, oo, holiday season last year. Last December lang sa Hong Kong, nagkita kami.
“Same hotel kami. Kasama niya si Sir Val Sotto. Family daw sila,” pag-alala ng komedyante.
By the way, muling pararangalan ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) si Vice bilang isa sa Box-Office Hero para sa 9th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).
Isa rin siya sa nakatanggap ng naturang award noong nakaraang taon sa 8th The EDDYS para sa pelikulang “Call Me Mother.”
For this year, ang iba pang Box-Office Hero ng The EDDYS ay sina Maricel Soriano para sa “Meet, Greet & Bye”, Kim Chiu and Paulo Avelino for “My Love Will Make You Disappear”, and Richard Gutierrez para sa “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.”
The post Vice Ganda sa MMFF 2026 entry: Bongga ang ka-collab ko this time! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 29, 2026
Rating:

No comments: