BREAKING NEWS

Sharon Cuneta nakiusap kay Leni Robredo: Please reconsider

Sharon Cuneta nakiusap kay Leni Robredo: Please reconsider

NANAWAGAN si Megastar Sharon Cuneta kay Naga City Mayor Leni Robredo na pag-isipang mabuti ang kanyang desisyon hinggil sa pagtakbo sa mataas na posisyon sa 2028 national elections.

Nitong Miyerkules, April 29, ibinahagi niya sa kanyang Instagram page ang screenshot ng artcard mula sa GMA News na nagsasabing sure na ang dating presidente sa kanyang desisyon.

“Dearest Ma’am Leni, PLEASE RECONSIDER… You are the one who can unite these different parties. You have proven na ipaglalaban niyo ang PILIPINAS,” panimula ni Sharon.

Bagamat nanghihinayang na hindi nanalo si Atty. Leni matapos tumakbo noong 2022 ay handa pa rin silang sumuporta ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan na siyang naging runningmate niya last national elections.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta sa pagkikita nina PBBM, Robredo: Walang plastikan

“Sana lang napagbigyan kayo noong 2022…Please choose a great VP, ideally from where you will garner more support than ever before, and Kiko and I will go all-out for you po. Ma’am, mas madami na pong di hamak na umaasa sa inyo ngayon,” pagpapatuloy ni Sharon.

Aniya, ipinapanalangin niya na sana ay magbago pa ang desisyon ng dating bise presidente at kasalukuyang alkalde ng Naga City.

Pakiusap ni Sharon, “Please, Ma’am Leni. We are all storming the heavens with our prayers for you to change your mind and run once more-just one more time po Ma’am, for President. Naghihintay lang po kaming lahat Ma’am, mga kakampink noon at mga naging kakampink na ngayon.

“Mahal na mahal po namin kayo at patuloy na naniniwala sa katapatan at abilidad ninyo na patakbuhin at alagaan ang ating bansa.”

Hirit pa ni Sharon, marami na ang handang magpaabot ng suporta higit pa sa nagbigay noon basta lang magsabi siyant tatakbo siya sa susunod na eleksyon.

Nagpahabol pa ang singer-actress at sinabing susubukan rin siyang kumbinsihin ng bunsong anak na si Miguel.

“Ma’am pupuntahan na daw po kayo ng anak naming si Miguel @miguelcpangilinan sa Naga para po pakiusapan kayo uli at ipaalala po ang sinabi niya sa inyo noong Victory Dinner ni Kiko last May,” pagtatapos ni Sharon.

The post Sharon Cuneta nakiusap kay Leni Robredo: Please reconsider appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Sharon Cuneta nakiusap kay Leni Robredo: Please reconsider Sharon Cuneta nakiusap kay Leni Robredo: Please reconsider Reviewed by pinoyako on April 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close