BREAKING NEWS

Akira Morishita, Jarlo Base may ibinuking tungkol kay Alexa Ilacad sa ‘YFSF’

Akira Morishita, Jarlo Base may ibinuking tungkol kay Alexa Ilacad sa 'YFSF'
Carlo Base at Akira Morishita

AFTER ng kanilang journey sa “Your Face Sounds Familiar” (YFSF) Season 4, humarap sa media ang Star Magic artists na sina Akira Morishita at Jarlo Base.

Sa ginanap na Star Magic Spotlight Press Conference noong April 20, 2026, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN, nagbalik-tanaw sina Akira at Jarlo sa naging journey nila sa naturang reality talent show ng ABS-CBN.

Binalikan ng dalawang versatile performers ang kanilang mga karanasan mula sa mga nakakakaba na first performances hanggang sa hindi malilimutang backstage moments. 

Ibinahagi rin nila kung paano hinubog ng kompetisyon ang pagiging individual artists at kung paano nabuo ang kanilang lifelong friendships.

Para kay Akira Morishita, na kilala bilang “Ace Idol” ng season, naging masterclass ang show para matutong maging present sa bawat sandali. 

Bukod sa mga prosthetics at vocals, binigyang-diin ni Morishita na ang tunay na pag-enjoy sa performance ang susi sa isang pangmatagalang production.

“Nandu’n pa ‘rin talaga yung dapat i-feel mo, dapat mag-enjoy ka,” kwento ni Akira. “Dapat ‘yun yung ginagawa namin every performance, sa Your Face and outside Your Face.”

Bukod sa mga trophy at high scores, parehong naniniwala ang dalawa na ang pinaka-best part ng kanilang experience ang kanilang nabuong samahan. 

Ikinuwento ni Jarlo Base, ang “Breakout Crooner” ng season, na ang birthday celebration ng fellow contestant na si Alexa Ilacad ang isa sa kanyang mga favorite memories. 

“Du’n ko unang na-feel na hindi ko lang pala work friends lang pala ‘to, friends ko talaga, family. Patapos na yung season eh, du’n ko na-feel na, ‘ah mami-miss ko talaga silang lahat,’” kuwento ni Jarlo.

Naka-set na ang dalawang Star Magic artists na i-expand ang kanilang creative horizons. 

Samantala sasabak muli si Akira kasama ang kanyang co-BGYO members sa kanilang upcoming projects habang patuloy naman si Jarlo sa pag-hone ng kanyang singer-songwriter skills para sa mga upcoming solo releases niya. 

Kahit may kani-kanya nang karera, open ang dalawa na magkatrabaho muli after “YFSF.”

Bitbit nina Akira at Jarlo ang kanilang versatility at resilience na natutunan sa “YFSF” stage. 

Ang kanilang growth mula sa “Iconator” hanggang sa mga performances ngayon ang nagsisilbing patunay na isa sila sa mga pinaka-promising Star Magic artists.

The post Akira Morishita, Jarlo Base may ibinuking tungkol kay Alexa Ilacad sa ‘YFSF’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Akira Morishita, Jarlo Base may ibinuking tungkol kay Alexa Ilacad sa ‘YFSF’ Akira Morishita, Jarlo Base may ibinuking tungkol kay Alexa Ilacad sa ‘YFSF’ Reviewed by pinoyako on April 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close