BREAKING NEWS

Marielle Montellano, JM dela Cerna pak na pak din bilang loveteam 

Marielle Montellano, JM dela Cerna pak na pak din bilang loveteam 
Marielle Montellano at JM dela Cerna

BUMANDERA nang bonggang-bongga ang Star Magic artists na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna bilang grand winner sa “Your Face Sounds Familiar Season 4.”

Humarap sa ilang members ng entertainment media sina JM at Marielle sa ginanap na Star Magic Spotlight Press Conference last April 20, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN. 

Ibinahagi ng dalawang vocal powerhouses na kilala bilang “Birit Duo” ng season kung paano nagsilbing turning point ang mabusisi at matinding kompetisyon sa kani-kanilang career.

Para kay JM, higit pa sa panggagaya ng icons ang naging journey niya, naging isa itong mahalagang lesson sa pagkuha ng risks pagdating sa entablado. 

Kilala sa kanyang technical precision, inamin ni JM na tinulungan siya ng show na lumabas sa kanyang shell at yakapin ang mga hindi inaasahang hamon bilang performer.

“Siguro yung pinakanakapagpa-realize sa akin is that the greatest risk is not taking any risk at all, ‘yun po yung napulot ko talaga after Your Face Sounds Familiar,” sey ni JM nang tanungin tungkol sa pinakamahalagang aral na kanyang natutunan sa show.

Nakahanap naman ng mas malalim na purpose si Marielle sa pamamagitan ng naturang reality talent competition. 

Bukod sa prosthetic makeup at mabusising costumes, natuklasan niya na ang tunay na puso ng bawat performance ay nakasalalay sa emotional connection sa audience.

“Being part of Your Face pushed me to become more intentional, not just with my music,” ani Marielle. 

“Hindi lang siya basta-basta na nandiyan lang tapos kakantahin mo as is. Dapat pala you put your heart into it, your soul, and how I connect with the audience as well,” chika ni Marielle.

Mula sa kanilang “Iconic “Iconator” moments hanggang hirangin bilang grand winners ng “YFSF”, pinatunayan ng tambalang “JMielle” na isa silang multifaceted performers. 

Patuloy ang transformation ng Birit Duo sa kanilang upcoming concert na “JMIELLE: Sings The Icons” n magaganap sa darating na May 29, sa SM North EDSA Skydome.

Samantala, marami namang nagsasabi na bagay na bagay din sina JM at Marielle na maging magka-loveteam dahil sa taglag nilang magic at chemistry while performing.

Kaya wish ng fans, sana raw ay mabigyan din sila ng chance na makagawa ng acting project together na may halong musicale.

The post Marielle Montellano, JM dela Cerna pak na pak din bilang loveteam  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Marielle Montellano, JM dela Cerna pak na pak din bilang loveteam  Marielle Montellano, JM dela Cerna pak na pak din bilang loveteam  Reviewed by pinoyako on April 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close