Janus del Prado binanatan mga UP scholar: Wag puro yabang, reklamo, welga
BINENGGA ng aktor na si Janus Del Prado ang ilang iskolar at estudyante ng University of the Philippines (UP) dahil puro yabang at reklamo raw ang alam gawin.
Ito’y may konek pa rin sa madugong engkuwentro sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at mga rebeldeng grupo sa Taboso, Negros Occidental na ikinasawi ng 19 katao, kabilang ang student leader na si Alyssa Alano mula sa UP.
Sa kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin si Janus kung saan ipinamukha nga niya sa mga estudyante ng UP kung saan nanggagaling ang perang nagpapaaral sa kanila.
May mga nang-ookray din kasi sa aktor na wala raw siyang alam sa mga latest kaganapan sa UP kaya wala siyang karapatang magsalita laban sa mga iskolar ng naturang unibersidad.
“Sa mga nagsasabi sa akin na di ako updated sa UP Free Tuition law Republic Act No. 10931 nu’ng 2017, Yes, I am fully aware of that.
“But you still have to be eligible for that. Meron pa ring qualifications. There are still parameters. So hindi pa rin lahat 100% free ang tuition. Madami pa rin nagbabayad ng full tuition or nag-aapply for discounts,” simulang pahayag ni Janus.
Patuloy pa niya, “Tsaka di ba mas nakakahiya yun sa taumbayan?
“May 100% free tuition law na sa mga eligible tapos mamumundok pa rin kayo at kakalabanin ang gobyerno at bayan pag katapos kayo pag-aralin?” aniya pa.
Paalala pa niya, “Wag kayo masyado mayabang. Kasi pera ng taumbayan ang nagpapaaral at nagpaaral sa inyo. Through full scholarship man, free tuition law or discounted. Pera pa rin ng mga taxpayers yan.
“Konting utang na loob naman sa taumbayan lalo na sa mga working class. Kaltas pa rin sa sweldo nila yan.
“Damang dama sa comsec yung kayabangan ng ibang mga Isko na nagcocomment ng ‘8080 ka lang’, ‘Bitter?’, or ‘Di ka lang nakapasa ng UPCAT.’
“Yes, unfortunately I didn’t even have the chance to take the UPCAT because i’ve been working since I was 5 years old.
“So you are truly privileged if you even had the opportunity to take the UPCAT,” saad pa ng aktor.
Dugtong pa niya, “Again, wag masyado mayabang. A little humility goes a long way because pera ng taumbayan ang nagpapaaral at nagpaaral sa inyo.
“Di niyo kailangan magdunong-dunungan sa lahat ng bagay at issue at mag feeling na lagi kayong intellectually and morally angat sa iba na di mga isko ng bayan.
“Mag contribute kayo sa society at bayan at wag puro yabang, reklamo, welga, at destabilIsasyon ang inaatupag niyo.
“Kuha niyo mga Isko?”
The post Janus del Prado binanatan mga UP scholar: Wag puro yabang, reklamo, welga appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 28, 2026
Rating:

No comments: