BREAKING NEWS

Karylle nanawagang suportahan local artists sa kabila ng paglaganap ng AI

Karylle nanawagang suportahan local artists sa kabila ng paglaganap ng AI

HINIMOK ng singer-host na si Karylle ang publiko na suportahan ang mga singer at songwriters at iba pang mga nasa indistriya ng musika sa kabikq ng mga patuloy na kumakalat online na mga musikang gawa ng artificial intelligence (AI) kabilang na ang mga hindi awtorisadong cover ng mga sikat na kanta

Sa isang episode ng "It's Showtime", nanawagan ang singer-TV host matapos ang kanyang birthday surprise.

Hinilingan si Karylle na umawit at sinamantala naman niya bilang pagkakataon upang balikan ang ilan sa kanyang mga lumang kanta. Naalala niya ang kanyang bersyon ng "Kay Tagal Kitang Hinintay," na kanyang ni-record kasama si Sam Tsui. Ang kanta ay unang pinasikat ng Filipino rock band na Sponge Cola.

"'Yung isa naman naming kinanta, 'Kay Tagal Kitang Hinintay.' This is a version I did with Sam Tsui, a YouTube star in LA, and of course, it's from the band Spongecola," panimula niya.

Bak Bet Mo: Karylle na-trash talk nang subukang maglaro ng 'Mobile Legends'

Pagpapatuloy ni Karylle, "Nagkalat ang AI cover… Sabi ko, 'Wait lang, may cover din ako niyan, na version. Sabi ko, kailangang i-reclaim.

Binanggit ng host ng "It's Showtime" na minsan ay natatabunan ng AI-generated covers ang mga opisyal na recording ng mga totoong artista.

"Syempre 'di ba, gusto naman nating ang talagang lumago ay 'yung Philippine music industry. Kaya please support 'yung mga artist na buhay and in front of you," sey pa ni Karylle.

Ang mga pahayag ng TV host-singer ay lumabas sa gitna ng lumalaking pangamba sa industriya ng musika tungkol sa epekto ng artificial intelligence sa karapatan at kita ng mga artista.

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang French musician na si Sylvain Amazir Hernandez — na mas kilala bilang DJ Mogo — matapos ang alegasyon na ang kanyang viral na kantang "Hawak Mo ang Beat" ay gawa ng AI.

Itinanggi ni DJ Mogo ang mga alegasyon. Gayunpaman, iginiit niya na mananatiling lihim ang pagkakakilanlan ng singer.

The post Karylle nanawagang suportahan local artists sa kabila ng paglaganap ng AI appeared first on Bandera.


Karylle nanawagang suportahan local artists sa kabila ng paglaganap ng AI Karylle nanawagang suportahan local artists sa kabila ng paglaganap ng AI Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close