BREAKING NEWS

Sandara Park balik-Pilipinas kasama ang mga kaibigan: I’m home

Sandara Park balik-Pilipinas kasama ang mga kaibigan: I'm home

NAGBABALIK sa Pilipinas ang Korean singer-actress na si Sandara Park para sa isang bakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa kanyang Instagram post ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng K-pop group na 2NE1 ang mga larawan mula sa kanyang paglalakad sa paligid ng Metro Manila.

Base rito ay nilibot ni Sandara ang mga lugar tulad ng Greenbelt at Power Plant Mall sa Makati.

"I'm home," maikling caption niya.

Baka Bet Mo: Sandara Park dinenay mga alegasyon ni Park Bom: I have never use drugs

Makikita rin sa mga post ni Sandara ang pag-e-enjoy niya sa pastries, kape, at ilang pagkaing Pilipino gaya ng sikat na fastfood chain na Jollibee.

Ibinandera pa nga niya ang kanilang inorder at nilafang.

Naganap ang pagbabakasyon ni Sandara sa Pilipinas matapos ang mga ibinatong alegasyon laban sa kanya ng kanyang kasamahan sa 2NE1 na si Park Bom sa umano'y paggamit niya ng ilegal na gamot.

Ayon sa ulat ng The Korea Herald, iginiit ni Bom na siya raw ang ginamit upang pagtakpan ang isang isyu tungkol sa droga na diumano'y kinasasangkutan ni Dara.

Mariin naman itong itinanggi ni Sandara.

Aniya, "I have never used drugs. I wish her well."

The post Sandara Park balik-Pilipinas kasama ang mga kaibigan: I'm home appeared first on Bandera.


Sandara Park balik-Pilipinas kasama ang mga kaibigan: I’m home Sandara Park balik-Pilipinas kasama ang mga kaibigan: I’m home Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close