Mika Salamanca, Will Ashley nagli-live in na nga ba?

TILA unti-unti na ring natatanggap ng ilang mga faney ang pagiging mas malapit ng Kapuso stars na sina Mika Salamanca at Will Ashley.
Marami na kasi sa mga netizens ang kinikilig sa dalawa sa kabila ng branding na "magkapatid" sa ginawang grupo na "Pamilya de Guzman" na binubuo nila kasama sina Klarisse de Guzman, Esnyr Ranollo, at Shuvee Etrata.
Mukhang slowly na rin nagle-let go ang ilang mga fans na shiniship sina Mika at Will sa ibang artista matapos ang ilang beses na pagkakataong nakita ang dalawa na magkasama.
May mga kumakalat na larawang namataan ang dalawa na magkasama sa isang restaurant at mayroon ring habang naglalakad sila sa isang mall.
Baka Bet Mo: Brent Manalo, Mika Salamanca nagpakilig sa Hakot Relay Run 2025
Sa latest upload rin ng "Showbiz Update" ni Ogie Diaz, napag-usapan na nahulicam sina Will at Mika na magkasamang pumunta at umalis sa PBB house para mamaalam.
"Hindi pa sila diretsong umaamin pero sila na," saad ni Ogie nang mausisa siya ni Mama Loi kung bakit sila magkasamang magpunta sa PBB house.
May chika pa nga na ang malking factor sa bagong biling sasakyan ni Will ay dahil gusto ito ni Mika.
"Itanong na rin natin sa kanila kung nagli-live in na sila," dagdag pa ng kasama ni Ogie.
Samantala, may mga netizens na rin ang nagsasabing umamin na lang sina Mika at Will kaysa makita in public together gayong kasalukuyang may onscreen partners.
"Umamin na lang kayo kaysa paasahin ang fans sa ibang love team na wala naman palang chance, mas matatanggap pa namin," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Bagay rin si Mika at Will no. Sobrang close rin nila sa loob ang vocal naman rin talaga noon pa man si Will sa feelings niya."
"Malalaki na kayo, basta wag sisirain ang career," hirit naman ng isa.
The post Mika Salamanca, Will Ashley nagli-live in na nga ba? appeared first on Bandera.

No comments: