BREAKING NEWS

Janice de Belen kay Kaila Estrada: Guard your heart

Janice de Belen kay Kaila Estrada: Guard your heart

AMINADO ang aktres na si Janice de Belen na mas pinipili niyang huwag manghimasok pagdating sa mga relasyon ng kanyang mga anak at hinahayaan niya ant mga ito na gumawa ng sarili nilang desisyon.

Sa naging panayam sa kanya ng mamamahayag na si Julius Babao, sinabi ng aktres na hindi siya nakikialam sa buhay pag-ibig ng kanyang mga anak, kabilang na ang kanyang anak na si Kaila Estrada.

“Lahat naman sila nakilala ko na,” saad ni Janice.

Aniya, may tiwala siya sa mga anak at ayaw niyang kontrolin ang buhay ng mga ito.

Baka Bet Mo: Sey mo Aga Muhlach…Janice de Belen, Niño nagkaungkatan ng past

“I will have to trust them, love them, get along with them. Kasi malay ko ba, baka mamaya sila na nga talaga yung mag-aalaga sa anak ko,” pagpapatuloy ni Janice.

Nang tanungin kung anong payo ang ibinibigay niya kay Kaila tungkol sa pag-ibig, simple lamang ang sagot ng aktres.

“She’s 30 years old. Basta guard your heart,” diretsahang sabi ni Janice.

Ipinaliwanag din niya na ang kanyang istilo ng pagiging magulang ay nakatuon sa pagbibigay ng kalayaan at pagiging independent ng kanyang mga anak.

“I don’t coddle my children,” she said, at idinagdag na nais niyang maging matatag ang mga ito upang harapin ang buhay nang sila-sarili.

Lumabas ang kanyang mga pahayag kasabay ng patuloy na pagkakadikit ng pangalan ni Kaila sa kanyang Incognito co-star na si Daniel Padilla, bagamat wala pang direktang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa anumang romantikong relasyon.

Ngunit nitong Martes ng gabi, April 28, tila paglalayag na ng kanilang relasyon ang ginawa ng anak ni Janice matapos nitong ibandera ang larawan nila ni Daniel na magkayakap sa isang Instagram story na may background song na “Hallelujah” ni Justin Bieber.

The post Janice de Belen kay Kaila Estrada: Guard your heart appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Janice de Belen kay Kaila Estrada: Guard your heart Janice de Belen kay Kaila Estrada: Guard your heart Reviewed by pinoyako on April 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close