Ivana Alawi naloka sa laplapan nila ni Joshua Garcia: Grabe kang sumipsip!
“GRABE! Ang laki ng bibig niya!” bulalas ni Ivana Alawi nang tanungin tungkol sa intimate scene nila ni Joshua Garcia sa mediacon ng serye nilang “Love is Never Gone” kagabi sa Gateway 2 Cinema 11.
Tila nagulat at napangisi ang aktor sa pambubuking ni Ivana, “Bakit (sabay lingon kay Joshua) natawa ka, totoo naman, eh. Sabi ko, ‘huy, grabe ka namang sumipsip! ‘Yung lipstick ko nawawala! Magaling siya, 10 siya (rating niya sa paghalik ng aktor).
Ang nagdirek sa nasabing eksena ay si Manny Palo o MP (tawag ng lahat) sabi ni Ivana, “Grabe, idinirek niya kung paano ‘yung paghalik nakikinig naman kami.”
Hiningan naman si Joshua kung anong rating ni Ivana sa kissing scene nila. Napangiti muna ang aktor, sabay sabing, “9.”
Baka Bet Mo: Ivana Alawi naloka sa laplapan nila ni Joshua Garcia: ‘Higop King!’
Maraming nag-react dahil bakit 9 lang gayung perfect 10 ang ibinigay sa kanya ni Ivana. “Para may room for improvement,” tumawang sabi ng aktor.
“Ayyyyyy!” reaksyon ni Ivana. “Sige-sige, di ba direk (MP) may isa pa (kissing scene)?” tanong ng aktres sa direktor sabay kunwaring hahampasin ng mikropono si Joshua.
Dagdag pa ng aktres, “Okay-okay, hindi ko kasi nabuka ang bibig ko ng ganu’n, eh, na-gets ko naman.”
Tinakpan na lang ni Joshua ang mukha dahil sa hiya kaya lalong nagtawanan ang lahat ng nasa sinehan.
“Ang ganda! Ang gagaling nila!” ang namutawi sa bibig namin habang pinapanood ang pilot episode sa advance screening ng “Love is Never Gone” handog ng Dreamscape Entertainment na mapapanood sa Prime Video simula sa May 8.
Bago ang screening ay pinuri nina Ivana at Joshua ang isa’t isa dahil sa action scenes nila na okay naman talaga pero siyempre pansin pa rin na pareho silang magaling umarte.
Lalo na si Joshua na mata-mata pa lang ay talagang umaarte na lalo na ‘yung eksenang nasukol siya ng mga pulis at iniwan siya ni Ivana dahil tumalon dagat na ramdam mo ‘yung sakit na naramdaman niya na ito ang napala niya gayung tanging ginawa niya ay nagmahal lang siya.
Hiningan ng reaksyon ang dalawang bida after the screening.
“Ako masaya ako for everyone kasi (buntong-hininga), hindi ko alam ang sasabihin ko kasi ang ganda! Kung ano ‘yung napanood n’yo naka-fast cut ‘yun. So, kung pag napanood natin sa Prime, mas kumpleto, mas ramdam natin ‘yung bawa’t eksena,” sabi ni Joshua.
Dagdag pa, “Nagsimula kami ni Ivana na nakaupo, nu’ng ending nan aka ganito (halos mahulog na sa upuan).”
Say naman ni Ivana, “Ang ganda, sobrang ganda. Actually nu’ng pinapanood ko, sabi ko grabe parang pelikula. First episode pa lang ng Love is Never Gone parang movie na, full of action hindi kami makahinga tapos ‘yung ihi ko pinigilan ko from start to end kasi nga ayaw kong umalis.”
Samantala, ang sarap manood kapag sa ibang bansa ang locations tulad ng Morocco na isa sa bansang may magandang sunrise at sunset kaya pala maraming Pinoy ang laging nagpupunta rito para magbakasyon at isa na nga ang mag-asawang Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa kultura nila.
At kaya rin napa-oo si Ivana sa “Love is Never Gone” ay dahil kasama niya si Joshua at sa Morocco ang shoot dahil Moroccan ang tatay niya.
Anyway, kasama rin sa “Love is Never Gone” sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael De Mesa, Epy Quizon, at Dina Bonnevie, kasama sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo, Carlo San Juan, at may special participation nina Ara Mina at Irma Adlawan.
Sina Manny Palo at Jojo Saguin ang direktor handog ng Dreamscape Entertainment.
The post Ivana Alawi naloka sa laplapan nila ni Joshua Garcia: Grabe kang sumipsip! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 29, 2026
Rating:

No comments: