BREAKING NEWS

Anne Curtis, Vice Ganda sa public transport sa Pinas: Kawawa ang mga tao

Anne Curtis, Vice Ganda sa public transport sa Pinas: Kawawa ang mga tao
Vice Ganda at Anne Curtis

HUGOT na hugot ang mga Kapamilya stars na sina Anne Curtis at Vice Ganda sa isyu ng public transportation sa Pilipinas.

Napag-usapan ng mag-BFF ang tungkol dito sa “Laro Laro Pick” segment ng “It’s Showtime” kamakailan dahil pa rin sa patuloy ng oil crisis sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nalulungkot sina Anne at Vice dahil hanggang ngayon ay tila walang improvement sa sistema ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas.

Nagkomento si Anne hinggil sa usaping ito nang magsalita ang co-host nilang si Vhong Navarro na mas gusto na ngayong mag-commute ng mga car owners dahil sa napakamahal na diesel at gasolina. 

Sey ng TV host-actress, “Alam mo, gugustuhin nating lahat mag-public transpo kung maganda ’yong public transpo natin. 

“Inaantay ko talaga ’yong araw na ang sarap mag-public transpo kasi sa ibang bansa, nag-e-enjoy tayo mag-public transpo,” dagdag ni Anne.

Sumang-ayon sa kanya si Vice Ganda at nabanggit nga ang hirap at sakripisyo ng mga Pinoy commuters sa pagsakay sa Manila Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

“Kawawa ang mga tao sa LRT at MRT. Akala mo may apocalypse na nangyayari sa dami. 

“Kawawa ang mga tao ngayon. Lahat tayo naaapektuhan nito. Hindi maganda ang kalidad ng buhay natin,” sentimyento ni Vice.

The post Anne Curtis, Vice Ganda sa public transport sa Pinas: Kawawa ang mga tao appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Anne Curtis, Vice Ganda sa public transport sa Pinas: Kawawa ang mga tao Anne Curtis, Vice Ganda sa public transport sa Pinas: Kawawa ang mga tao Reviewed by pinoyako on April 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close