BREAKING NEWS

Miguel Tanfelix: Hindi ako tulad ng ibang lalaki na ligaw nang ligaw nang ligaw!

Miguel Tanfelix: Hindi ako tulad ng ibang lalaki na ligaw nang ligaw nang ligaw!
Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

NARANASAN na rin ng Kapuso actor at host na rin ngayon na si Miguel Tanfelix ang mabasted ng mga girls.

Sa kabila ng kanyang kasikatan at kaguwapuhan, naka-experience na rin ng pagkabigo sa larangan ng pag-ibig ang aktor.

“Panigurado may mga times na na-basted na ako, lalo na nu’ng mga bata pa. Pero hindi ko na masyadong maalala,” ang pahayag ni Miguel sa guesting niya sa nakaraang episode ng “Your Honor.”

Para kay Miguel, mas gusto niya ang mga long-term relationship kaya kapag nanligaw siya, gusto niyang sure na sure siya sa kanyang feelings.

“Hindi ako yung katulad ng ibang mga lalaki na, parang ligaw nang ligaw nang ligaw,” sey ng boyfriend ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega.

Paniniguro pa ng Kapuso actor, isa-isa lang siya kung manligaw at never daw nangyari sa kanya na nanligaw nang sabay-sabay.

Sabi pa ni Miguel, hindi rin daw siya nanliligaw agad-agad kapag nabasted ng girl. 

Mas gusto muna niyang mag-heal nang bonggang-bongga bago mag-court uli para buong-buo siya kapag pumasok sa bagong relasyon.

Samantala, sa unang pagkakataon, sasabak na rin sa solo hosting si Miguel para sa upcoming travel show na “Planet XP,” na mapanonood mula sa May 2, tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA 7.

The post Miguel Tanfelix: Hindi ako tulad ng ibang lalaki na ligaw nang ligaw nang ligaw! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Miguel Tanfelix: Hindi ako tulad ng ibang lalaki na ligaw nang ligaw nang ligaw! Miguel Tanfelix: Hindi ako tulad ng ibang lalaki na ligaw nang ligaw nang ligaw! Reviewed by pinoyako on April 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close