Ronnie Alonte kinasuhan mga lumabag sa NDA agreement ng kasal, pagbubuntis ni Loisa
ISANG rebelasyon ang pinakawalan ng aktor at dating miyembro ng Hashtags na si Ronnie Alonte tungkol sa kanilang kasal pati na rin sa pagbubuntis ng asawang si Loisa Andalio.
Sa kanyang guesting sa “Think Talk Tea” ni Kring Kim na mapapanood sa YouTube ay sunud-sunod ang kanyang naging pasabog.
Ayon kay Ronnie, hindi niya inaasahan ang mga nangyari ngunit talagang nakaplano na ang kanilang pagpapakasal.
“Nakaplano na yung kasal nung nalaman namin na 4 months na pala na may baby na sa loob,” pagbabahagi ng aktor.
Baka Bet Mo: Ronnie at Loisa natyugi sa ‘Bagong Umaga’ dahil nga ba sa paglipat ng management?
Ani Ronnie, nais niyang bigyan ng maayos na proposal si Loisa bogo ang kasal.
“Ang wala sa plano namin is yung proposal, biglaan yung proposal. Sabi ko, ‘Parang may kulang eh. Parang mababawasan yung pagkababae ni Loisa kapag kasal agad tayo. Parang wala akong respeto.’ Sa akin lang yun,” amin ni Ronnie.
Ngunit kahit parehas na public figure ay nais pa rin niyang maging pribado ang mga bagay sa kanilang pagsasama gaya sana ng pagbubuntis at kasal.
“After nun, tuloy tuloy na, and diba nagulat sila na 2 weeks after eh kasal na. Pero hindi talaga namin dapat ilalabas yung wedding kaso may nauna lang,” lahad ni Ronnie.
Nang tanungin kung paano ito nangyari, ipinaliwanag niya: “Yung parang tauhan nung nagfa-fireworks nung wedding namin, siya yung nag-video tas na-post na niya sa TikTok, lumabas na.”
Lalong nadismaya sina Ronnie at Loisa dahil ang lahat ng taong sangkot sa kanilang kasal ay umano’y pumirma sa isang Non-Disclosure Agreement (NDA).
“Ewan ko kung anong nangyari. Lahat may NDA. Lumabas yung wedding namin, lumabas yung pregnancy niya, lahat yun may NDA,” amin ng aktor.
At dahil nga nalabag ang kanilat kasundian ay dinala na ni Ronnie sa legal na proseso ang nangyari.
“May kaso na nga yung iba, ongoing na yung isang kaso. Triple eh, o doble doble yung magagastos niyo, diba? Kapag nakasuhan kayo,” sabi pa niya.
Sa kabila ng mga pag-leak ng mga private information sa mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay ay nakatuon na ngayon ang mag-asawa sa kanilang bagong buhay bilang isang pamilya at bilang mga magulang.
The post Ronnie Alonte kinasuhan mga lumabag sa NDA agreement ng kasal, pagbubuntis ni Loisa appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 30, 2026
Rating:

No comments: