BREAKING NEWS

Friendster muling nagbabalik, may account ka na ba?

Friendster muling nagbabalik, may account ka na ba?

THROWBACK no more dahil muli nang nagbabalik ang paboritong social networking platform ng mga millennials na Friendster.

Matatandaang bago pa mag-trending ang Facebook at mga sikat na laro nito gaya ng Farmville at Tetris, una munang sumikat ang mga katagang “Pa-testi naman!”

Ayon sa website ng Friendster, makikitang downloadable na ang kanilang app para sa mga iPhone users.

Pero bago ka mag-download, narito ang mga features na paniguradong ma-e-enjoy hindi lang ng millennials kundi maging ng mga Gen Zs.

Baka Bet Mo: Girl group member masyadong feelingera, todo iwas sa tao kahit ‘di pinapansin

Tiniyak ng Friendster ang “friends only” ng mga magiging user ng kanilang platform upang mapanatili ang real connections ng mga tao kaya wala ring magiging “suggested strangers”.

Nangako rin ang naturang platform ba walang ads o “engagement bait”.

Bukod pa rito, wala ring bots na mangungulit at magpapadala ng spam DMs sa mga magiging users ng Friendster.

At sa huli, nangangako sila na ligtas ang mga information na ibabahagi ng mga users sa kanila at hindi kailanman ibebenta o ilalabas nang walang pahintulot

Matatandaang unang lumabas ang Friendster noong 2003 na talagang pumatok sa madlang netizens all over the work dahil sa features nito kung saan maaari mong i-customize ang theme at maglagay ng background songs sa iyong profile.

Ngunit noong 2015 ay tuluyan itong nawala.

The post Friendster muling nagbabalik, may account ka na ba? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Friendster muling nagbabalik, may account ka na ba? Friendster muling nagbabalik, may account ka na ba? Reviewed by pinoyako on April 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close