BREAKING NEWS

Cristine Reyes tinotoo pananakit kay Isabelle: Bwisit na bwisit na talaga ‘ko!

Cristine Reyes tinotoo pananakit kay Isabelle: Bwisit na bwisit na talaga 'ko!
Cristine Reyes at Isabelle Daza

NAGKAUNGKATAN ng controversial past ang mga aktres na sina Isabelle Daza at Cristine Reyes, partikular na ang tensiyon sa taping ng teleserye noon.

Inamin ni Cristine na totoong nagkaroon sila ng away ni Isabelle habang ginagawa ang ABS-CBN series na “Tubig at Langis” ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa guesting nila sa “The Sexytime Podcast” ni Ava Daza, binalikan nina Cristine at Isabelle ang pinagdaanan nilang challenges sa naturang teleserye na nauwi nga sa personalan.

Ani Cristine, “Parang feeling ko that time hindi pa ako ready mag-work pero I can’t say no.”

Sey naman ni Belle, grabe raw talaga yung catfight nila ni Cristine sa serye, “Ang mga scenes na she had to slap me, and I had to slap her. And it’s getting quite heated because we were filming in Bulacan, three times a week.”

Rebelasyon uli ni Cristine, “Ako, galing sa simpleng buhay and all, so kapag darating ako sa set, I have to greet everybody. 

“Si Isabelle, iba siya sa akin eh, sosyal. ‘Yung time na ‘yun ‘It Girl’ siya, so parang nag-e-expect ako na magiging friendly siya pero meron siyang dating na… hindi man lang nag-hi,” chika ng aktres.

Sagot ni Isabelle, “I wasn’t aware of that, kasi si Mama Jun, ‘yung assistant ko, she would always tell me, ‘Belle, greet ka diyan sa director. Belle, punta ka sa producer.’ Hindi ako sanay to come on the set and greet everyone, I don’t know why.”

Hanggang sa kinunan nga ang isa sa mga pasabog na confrontation scene nila sa “Tubig at Langis” kung saan nagdesisyon si Cristine na gumanti sa mga nagawang sablay ni Belle sa kanya.

“Hindi lang to nangyari sa isang araw ng taping ah, 18 months ‘to. Bwisit na bwisit na talaga ako,” hirit Cristine.

“Nagkaroon ako ng chance sa beach, sorry talaga, Belle. Hindi niya siguro in-expect na talagang tototohanin ko.

“Hahablutin ko ‘yung buhok niya pababa. It’s my chance, bro. Ten years akong nagma-martial arts. Talagang slam sa baba. ‘Tapos, sinipa niya ako, gumanti siya sa ‘kin,” natatawang pag-alala ni Cristine.

Sabi ni Isabelle, “Kinuha niya ‘yung buhok ko and then, she dragged me. Sobrang lakas niya. I didn’t want to break character. This is a big scene, especially with how the director hypes you.”

“Naipon na ‘yun, Belle, ang dami mong ginawa sa akin na hindi mo alam,” sabi naman ni Cristine.

That time, talagang hindi na lumalapit si Belle kay Cristine at tuluyan nang dumistansiya, “It was more like, I knew she wasn’t going to be close to me, I also didn’t realize I wasn’t greeting her. 

“I’m not the type to try to get close to someone. We also had our own separate tents, and also the truth is I was really scared of our director, I just really wanted to focus on doing well on my part,” esplika pa niya.

Nag-try naman daw si Belle na ayusin ang isyu sa kanila, “Nakipag-usap siya, pero hindi pa ako ready.”

Pag-alala pa ni Belle, “I opened up to her. I don’t want that tension, ang hirap na nga ng trabaho, tapos enemies pa kami in real life.”

May pinagdaraanan din daw si Cristine nu’ng panahong yun sa kanyang personal life na nakaapekto sa kanyang behavior.

“That time na pinagtatakpan ko pa, na hindi kami okay. Nagpo-post ako na parang happy family, pero ‘yung totoo, hindi siya (dating karelasyon) talaga umuuwi sa bahay. 

“Pumupunta siya sa mga casino tapos meron silang mga girls na kasama, parang tini-table. Kasi meron daw mga clients daw, mga Koreans. Nilabas ko talaga sa kanya (Belle), sorry,” rebelasyon pa ni Cristine.

“You were going through something personally,” sey ni Belle.

Natuwa naman si Belle nang dumating yung araw na nagkaayos sila ni Cristine, “We really reconciled years later, she apologized for that and said that ang dami kong pinagdadaanan ko sa bahay. 

“You sent me flowers when I gave birth, I was so touched,” sey pa ni Isabelle.

The post Cristine Reyes tinotoo pananakit kay Isabelle: Bwisit na bwisit na talaga ‘ko! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Cristine Reyes tinotoo pananakit kay Isabelle: Bwisit na bwisit na talaga ‘ko! Cristine Reyes tinotoo pananakit kay Isabelle: Bwisit na bwisit na talaga ‘ko! Reviewed by pinoyako on April 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close