BREAKING NEWS

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega 3 years nang magdyowa, balak na bang pakasal? 

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega 3 years nang magdyowa, balak na bang pakasal? 
Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

THIS early ay napag-uusapan na ng Kapuso celebrity couple na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang pagpapakasal.

Pero mabilis na nilinaw ni Miguel na medyo matagal-tagal pa bago ito mangyari dahil mga bata pa naman daw sila ni Ysabel at wala pa ito sa kanilang top priorities sa ngayon.

“Very stable” kung ilarawan ng Kapuso actor ang relasyon nila ng Kapuso actress at “Encantadia Chronicles: Sang’gre” star.

“You’ve been together for three years. Nasaan ngayon ang inyong relasyon?” ang tanong ni Boy Abunda kay Miguel sa nakaraang episode ng “Fast Talk.”

“Very stable kami ngayon, Tito Boy. We are very happy. Ako, sobrang love ko si Ysabel,” sey ng binata.

Sunod na tanong si Tito Boy kung nakararamdam ba ng takot si Miguel ngayong stable sila ni Ysabel, “Mas pipiliin ko na ‘yun kesa sa unstable.

“Pero para sa amin, kasi mas pinapayaman pa muna namin ‘yung sarili naming karanasan, siguro mas pinapatalino, pinapa-mature pa namin ‘yung isa’t isa, bago kami mag-step forward. 

“Kasi naniniwala kami na kailangan buo kaming dalawa bago pumasok,” esplika ng aktor.

At sa question kung napag-uusapan na nila ang kanilang future, “Yes, Tito Boy.” Tinatanong daw nila ang isa’t isa kung anong edad sila magpapakasal.

“Ang sinasagot ko, mga early to mid-30s. Matagal-tagal pa, Tito Boy. Matagal pa. Marami pa kaming kailangan gawin,” sey ni Miguel.

Samantala, excited na si Miguel sa kanyang hosting era para sa upcoming magazine travel infotainment program na “Planet XP”.

Dito mabibigyan ng chance ang Kapuso Ultimate Heartthrob na maranasan ang immersive adventures and real-life encounters with nature. He tries mountain climbing, windsurfing, connecting with indigenous people, and a whole lot more to showcase the beauty of the Philippines.

“Napatunayan ko rito na hindi sapat na pinapanood mo lang sa social media ‘yung adventures. Kailangan ma-experience mo firsthand ang pag-connect sa nature dahil marami kang matututunan,” aniya.

“Planet XP” is more than just a show for Miguel, “Bilang artista, kailangan piliin mong mabuti ang mga project at advocacy mo. For example, itong Planet XP, meron siyang campaign para sa iba’t ibang community sa Pilipinas at pino-promote nito ang pag-aalaga sa nature.”

“Gusto ko talaga na maging involved sa ganitong uri ng trabaho. Na-e-enjoy kong ma-experience ‘yung mga adventure kasi mas natututo ako. 

“Gaya nu’ng outdoor activities na na-try ko rito, for me it’s a recharge. Kahit nakakapagod physically, masaya siya emotionally. May fulfillment,” saad ng aktor at TV host na ngayon.

“Planet XP” is a five-episode program produced via the partnership of GMA Network and National Council for Children’s Television (NCCT), as a grantee under the 2024 National Endowment Fund for Children’s Television (NEFCTV).

It is presented with Filipino sign language interpretations and closed captioning.

Premiering on May 2, “Planet XP” airs on GMA every Saturday at 6:30 p.m. after “24 Oras Weekend” and before “Pepito Manaloto.” 

The post Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega 3 years nang magdyowa, balak na bang pakasal?  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega 3 years nang magdyowa, balak na bang pakasal?  Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega 3 years nang magdyowa, balak na bang pakasal?  Reviewed by pinoyako on April 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close