Tuesday Vargas tinawag na laos, attitude, walang career: Wala akong pake!

KUNG anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa singer-comedienne na si Tuesday Vargas matapos manawagang mabigyan sana siya ng mga trabaho.
Tinawag siyang "laos", "walang career", "attitude" at kung anu-ano pang maaanghang na akusasyon.
Maraming nangnega at nanlait sa kanya nang mag-post sa Facebook ng message para sa mga producer at talent coordinator na kunin sana ang kanyang serbisyo sa kanilang mga proyekto.
May mga bumilib sa komedyana sa kanyang tapang at pagpapakatotoo sa kanyang sitwasyon pero meron ding mga nang-okray at nangmaliit sa kanya.
Sa kanyang latest Facebook post, sinabi ni Tuesday na hindi siya galit sa mga nanlait sa kanya, in fact, iniintindi na lamang niya ang mga ito at ipinagdarasal.
"WALA AKONG PAKE! Pero di naman ako galit, in fact natutuwa nga ako. Mula noong nag post ako na naghahanap ako ng trabaho, ang daming samu't saring reaksyon akong nakuha sa netizens," simulang pagbabahagi ni Tuesday.
"Madami ang nag alala para sa akin pero nakaka lungkot ay may mga ilan din na ang sagot ay pangungutya.
"Kesyo laos, kesyo attitude, kesyo di mahusay kaya walang karera. Nauunawaan ko po kayong lahat. Hindi naman din ako nag harbor ng ill feelings sa inyo kasi hindi nyo naman din po alam ang buong kwento ko kaya ipagpapa sa Dyos ko na lang ang inyong mga masakit na nasabi sa akin," litanya pa ng komedyana.
Patuloy pa niya, "Uunahin ko pa ba ang pride at ego bago ang maayos na hanapbuhay? I asked nicely and with dignity.
"I was not looking for a handout, but instead an opprtunity to use my skills that will produce income… Alam kong may tinuturo ang Dyos sa akin sa season na ito ng aking buhay.
"Mas lalo akong kumakapit sa kanya at lalo pa akong nagsisikap kasi hindi pa din ako natatalo hanggang sa ngayon," saad ni Tuesday.
Mensahe pa niya sa mga malulupit na bashers, "Sa mga nagsasabi ng 'ay nagla live selling na lang kasi walang career' – salamat sa inyo.
"Lalo akong nagkakaroon ng motibasyong lumaban araw-araw upang ipakita sa inyo na kailan man ay hindi nakaka hiya ang marangal na hanap buhay.
"Lord bless all the breadwinners and those seeking for jobs that you will also smile upon them just as you did when I prayed.
"Salamat sa lahat po ng nagbigay sa akin ng projects at work. Patuloy lang po tayo sa pagganap sa hamon ng buhay. Padayon!" ang kabuuang post ni Tuesday.
The post Tuesday Vargas tinawag na laos, attitude, walang career: Wala akong pake! appeared first on Bandera.

No comments: