Klea Pineda ka-join sa international movie na ipo-produce ni Alden Richards

PROUD na proud at feeling grateful ang Kapuso actress na si Klea Pineda sa kanyang first-ever international movie.
Nagsimula nang mag-shooting si Klea para sa naturang project na co-produced ni Asia's Multimedia Star Alden Richards at ng ilang film producers mula sa Amerika.
Hindi pa raw pwedeng magbigay ng detalye ang Kapuso star tungkol sa kuwento ng pelikula at kung ano ang gagampanan niyang role pero sinisiguro niya na magugustuhan ito ng Filipino viewers.
Ibinida ni Klea sa interview ng "24 Oras Weekend" ang naging experience niya working with international actors, at ang mga bago niyang natutunan pagdating sa disiplina sa trabaho.
"Sobrang gaan sa set, sobrang naka-schedule lahat which is good. Walang bad energy sa set which is sobrang 'yun 'yung gusto ko sana," aniya.
"Sobrang nakaka-proud bilang Pinoy na mapasama 'yung mga Filipinos sa ganung klaseng film na international," sabi pa ni Klea.
Samantala, sa punto raw ngayon ng kanyang buhay, masasabi niyang nasa "personal era" ang focus niya na nakasentro sa self-love.
"Isa sa mga realizations ko nung mga nangyari nung past few months, pagiging selfish, pagiging makasarili, hindi siya masama paminsan-minsan.
"Ako naman. Ako naman this time. Para sa 'kin naman this time, para sa pamilya ko. Sa 'kin 'yung spotlight this time," pahayag ng proud member ng LGBTQIA+ community.
Nitong mga nagdaang buwan, very open na si Klea sa "special relationship" nila ng kapwa aktres na si Janella Salvador.
Nakakasama lagi ang Kapamilya star sa mga ganap sa buhay ni Klea at ng kanyang pamilya. Kabilang na nga riyan ang pagpunta ni Janella sa birthday celebration ng nanay ni Klea na si Gng. Charito kung saan kasama pa niya ang anak na si Jude.
But until now ay hindi pa hayagang inaamin ng dalawang aktres ang tunay na label ng kanilang relasyon.
The post Klea Pineda ka-join sa international movie na ipo-produce ni Alden Richards appeared first on Bandera.

No comments: