BREAKING NEWS

Anak ni Dulce na si David Ezra gagawing leading man ng Viva mala-Carlo at JC

Anak ni Dulce na si David Ezra gagawing leading man ala-Carlo at JC
David Ezra at Vic del Rosario

MAKALIPAS ang 16 years ng pag-arte at pagkanta sa mundo ng teatro, kakaririn na ni David Ezra ang pag-aartista sa harap ng mga camera.

Sa mga hindi pa aware, si David ay anak ng award-winning OPM artist na si Dulce at kamakailan lamang ay pumirma nga ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) ni Boss Vic del Rosario.

Sa pagpirma niya ng management contract sa Viva ay inaasahang mabibigyan siya ng mas maraming opportunities sa mundo ng showbiz, lalo na sa mga serye at pelikula.

Ayon kay David,16 years na siyang kumakanta at umaakting sa mga stage play at nagkaroon ng chance na lumabas sa pelikula sa pamamagitan ng "Isang Himala" na naging entry sa 50th Metro Manila Film Festival noong December, 2024.

Kuwento ni David sa presscon na ibinigay sa kanya ng VAA kamakailan, maraming plano ang Viva para sa kanyang acting career.

"I met with Boss Vic. Hindi ko ine-expect because I don't know how this works. Parang meron ba siyang time to meet with me? Does he know me? Is he aware who I am?

"Hindi ko ine-expect lahat. Nu'ng nag-meeting kami, like, two hours. And he was very interested sa background ko, and he knows about my credentials.

"So natuwa po ako sa meeting na 'yon kasi sabi niya, 'Yung credentials mo, very impressive. Ang tagal mo na sa music industry, sa theater industry, pero sa ngayon, parang mas nakikita kita more being as an actor.

"Sabi ko, 'Sige po.' Sabi niya, gusto niya ako i-push more for TV and film. Sabi ko, gusto ko po 'yon kasi it's going to be a new avenue for me," pahayag ni David.

"Ang tagal ko nang 15 years sa stage so gusto ko naman, me as an artist also, to try kung paano ba sa harap ng mga camera.

"Excited ako for that, game na game ako. It's going to be beneficial for me as an actor and artist kasi matutulungan niya ako sa pag-hone ng craft ko," aniya pa.

Patuloy pa niyang chika sa media, "Nabanggit ni Boss Vic sina Carlo Aquino and JC Santos. Parang kailangan nila ng someone like me, dramatic actor na nasa age range ni Carlo and ni JC.

"Sabi ko, 'Wow, kung mabibigyan ako ng ganoong opportunity, thank you very much.'

"Si Carlo, I only met him once. Nu'ng MMFF parade. Sabi ko sa kanya, ever since bata ako, pinapanood ko siya, so to be compared to someone like that, siyempre, nakakataba ng puso," sey ni David.

In fairness, palaban din talaga ang boses ni David na nagpa-sample pa ng ilang bahagi ng kanyang original song, pati na ang isang linya ng iconic song ng nanay niyang si Dulce na "Ako ang Nagwagi, Ako ang Nasawi."

"This is the first time I've done that," ang natatawang chika ni David nang pagbigyan ang aming hiling.

The post Anak ni Dulce na si David Ezra gagawing leading man ng Viva mala-Carlo at JC appeared first on Bandera.


Anak ni Dulce na si David Ezra gagawing leading man ng Viva mala-Carlo at JC Anak ni Dulce na si David Ezra gagawing leading man ng Viva mala-Carlo at JC Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close