KD Estrada inspirasyon si Coco; Sheena Belarmino, Vino hataw sa teatro

PATULOY na binibigyang-pansin ng Star Magic ang kanilang mga umuusbong na theater talents tulad nina KD Estrada, Sheena Belarmino, at Vino Mabalot.
Tampok ang mga ito sa dalawang major productions, ang "Bagets: The Musical" at "Spring Awakening", na kasalukuyang ipinalalabas at patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.
Kasalukuyang napapanood sa "Bagets: The Musical" si KD Estrada, na nagbahagi kung paano mas pinatatag ng teatro ang kanyang disiplina bilang artista.
"Just discipline and yung work ethic din, parang when you go to work you have to make sure na you know everything.
"You know your parts and you know what you're supposed to be doing," ang sabi KD nang tanungin sa Star Magic Spotlight Presscon tungkol sa pinakamahalagang aral na natutunan niya mula sa nasabing play.
Bukod sa pagiging aktor, pangarap rin ni KD na maging direktor. Nang tanungin kung sinong actor-director ang nagbibigay inspirasyon sa kanya, binanggit niya ang Hollywood actor na si Matthew McConaughey, at sa lokal naman ay si Coco Martin.
Bahagi naman ng kasalukuyang run ng Spring Awakening sina Sheena Belarmino at Vino Mabalot, na parehong nagbahagi ng kanilang mga karanasan.
Isang daring role ang ginagampanan ni Sheena na siguradong ikakagulat ng mga manonood.
"I'm really grateful for Sandbox Collective, the directors, the creatives, who really supported me all the way. Especially kasi wala akong alternate dito, every show laging ako yung nakasalang, and it's a different experience lagi.
"I entered the production knowing the material way ahead… I really did my research," aniya.
Para naman kay Vino, na beterano na sa sa teatro at telebisyon, magkaiba ang hamon ng pag-arte depende sa medium.
"Art forms that involve a screen are challenging for me because they're out of my comfort zone. Pero if we're talking artistic difficulty, I crave the theater, yung live audience, yung work that goes into doing it," aniya.
"Iba yung feeling telling stories and then your audience is right there, and they can feel with you, they can breathe with you. It's difficult pero yun yung pinaka-satisfying for me," dagdag pa niya.
Parehong tinatalakay ng "Bagets: The Musical" at "Spring Awakening" ang kaguluhan at reyalidad ng kabataan. "Let kids be who they really are and try to express themselves, through any form of art," ani Sheena.
Ipinakikita nina Sheena Belarmino, Vino Mabalot at KD Estrada ang lalim ng kanilang artistry na hinubog ng disiplina, masusing paghahanda, kolaborasyon, at ang natatanging koneksyon na hatid ng live theater.
Dala ang kanilang passion bilang alagad ng sining, patuloy nilang pinatutunayan ng mga artistang ito na ang entablado ay nananatiling makapangyarihang espasyo para sa pagkukuwento.
The post KD Estrada inspirasyon si Coco; Sheena Belarmino, Vino hataw sa teatro appeared first on Bandera.

No comments: