BREAKING NEWS

Paul Salas nahihipuan, nananakawan ng halik kapag nagpe-perform

Paul Salas nahihipuan, nananakawan ng halik kapag nagpe-perform
Paul Salas

MAY mga pagkakataon na nahihipuan at nananakawan ng halik ang Kapuso actor-dancer na si Paul Salas.

Nangyayari raw ito kapag nagpe-perform nang live ang aktor sa mga events na kanyang pinupuntahan, lalo na sa mga probinsya.

Nagkuwento ang binata tungkol sa mga unforgettable at nakakatawang mga karanasan niya sa mga dinadaluhang show o concert, kabilang na riyan kapag naiimbitahan siya sa mga piyestahan.

"Nata-touch, siguro may mga ganu'n, may dampi," natawang kuwento ni Paul.

Sey ng aktor, wala naman daw siyang magagawa sa mga ganu'ng sitwasyon dahil hindi niya kontrolado ang mga taong nanonood at nag-eenjoy sa performance niya.

"Kasi hindi natin maiwasan, minsan may kiss, minsan may dampi sa baba, ganyan. Nakakapa lang… mga ganu'n," aniya pa.

Binalikan din ni Paul ang insidenteng nangyari sa 76th founding anniversary ng Brookes Point, Palawan, noong June, 2025 kung saan isang babaeng nasa audience ang natumba dahil hinila niya ang monoblock chair na inuupuan nito.

"Ayun po, hindi ko talaga alam, hindi ko talaga alam paano nangyari. The next day ko na lang naman sa eroplano. Hindi ko talaga alam noong time na yun.

"Ba't nu'ng nalaman ko agad sa eroplano, minessage ko agad. Nakapag-usap naman kami.

"At sabi ko, 'Sorry po.' Sabi ko, 'Sorry po di ko sinasadya ngayon ko lang nakita. Pagkababa ko na sa eroplano,'" esplik ni Paul.

Patuloy pa niya, "Nandu'n ka na sa momentum, e, nakita ko bakante yung upuan. So, kinuha ko para umakyat sa mga tao, di ko alam na uupo pala siya.

"So it's an epic moment at ano naman, hindi naman siya naging big deal din," sabi pa ng isa sa mga celebrity contestant sa reality dance competition ng GMA 7 na "Stars on The Floor Season 2."

The post Paul Salas nahihipuan, nananakawan ng halik kapag nagpe-perform appeared first on Bandera.


Paul Salas nahihipuan, nananakawan ng halik kapag nagpe-perform Paul Salas nahihipuan, nananakawan ng halik kapag nagpe-perform Reviewed by pinoyako on March 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close