Derrick Monasterio pumuporma kay Elle pero lumalandi pa sa ibang babae

INAMIN ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio na nakikipag-flirt pa siya sa ibang babae kahit pinopormahan na niya si Elle Villanueva.
Nagpakatotoo si Derrick sa pagkukuwento noong nagsisimula pa lamang siyang magparamdam ng kanyang feelings sa kanyang reel-and-real partner.
Inalala ng Kapuso couple ang pagsisimula ng kanilang love story nakaraang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda".
Pagbabalik-tanaw ni Derrick, nagpapadala na raw siya noon ng mga message kay Elle, bago pa sila personal na nagkita sa isang acting workshop.
"Before kami mag-workshop, nag-message ako sa kanya sa Instagram. Kaso hindi akong nireplayan," simulang chika ng binata.
Hirit naman ni Elle, "Nag-reply siya sa (IG) story ko ng mga emoji na hot, ganyan. Hindi ko siya pinapansin kasi may boyfriend ako noon."
Kasunod nito, napilitan daw mag-reply si Elle kay Derrick dahil sa trabaho at hindi dahil may feelings na siya sa binata. Ang message raw niya, "Nandiyan ka na ba sa workshop?"
Natatawang sey ni Elle kay Derrick, "Feeling ka talaga. Alam mo, kumalma ka."
"Nag-message lang ako, Tito Boy, kasi gusto ko sanang mag-cancel (ng wodkshop) kasi wala akong tulog. Galing akong taping that time. So tinatanong ko, 'Tuloy ka ba?' Kasi kung hindi ka tuloy, hindi na rin sana ako tutuloy," paliwanag ng aktres.
"Pero feeling niya, ngayon na nag-uusap kami, akala niya type ko siya. My gosh, what?" ang natatawang chika pa ni Elle.
Pag-amin naman ni Derrick, "Before, Tito Boy, noong time na parang nagiging close na kami. Kasi siyempre, bata pa ako, lumalandi pa ako sa iba. Tapos nagagalit siya sa akin. Wala kaming label. Ang sama ko sa kanya nu'n."
At nang mabuking siya ni Elle, hindi na siya pinansin nito, "Kasi lagi kaming nag-uusap. Tapos hindi niya ako kinausap. Bigla na lang siya na hindi nag-message sa akin. Tapos doon ko na-realize na, 'Hala, mas gusto ko pala ito. Ititigil ko na itong mga ginagawa ko.'"
That time ay wala nang idine-date si Elle na ibang guy pero wala pa raw silang relasyon.
"No, I wasn't. Hindi ko kaya. Pero, kasi that time, nagbibigay siya ng mga signals na 'yung hino-holding hands niya ako. Tapos, 'Bakit?' Naisip ko, 'Ano 'to? Method acting?'
"Gusto niya parang kami. Behind the scenes sobrang sweet niya. Binibilhan niya ako ng kung ano-ano. Talagang parang nanliligaw.
"Pero pagdating sa labas, makikita ko, 'Ay, may kasama siyang ibang girl.' So sabi ko, Okay sige, I'll play your game, 'Ikaw ang mahuhulog sa akin.' Hindi ko siya pinansin. Ayan, nahulog. Hindi ko siya pinansin," ang sey ni Elle.
"And then, nag-message siya. Long message. Hindi ko pa rin pinansin. Bahala ka sa buhay mo. Tapos, hanggang sa, parang sincere na talaga siya na 'I'll do everything. Magbabago ako.' and all that.
"Siyempre, hindi pa rin ako naniwala. Sabi ko, sige, try natin. One week, 'I'll give you a chance.' Pero hindi pa rin ako buong-buong loob na bumalik sa kaniya," patuloy na chika ni Elle.
Sey naman ni Derrick, "Tito Boy, to be fair, nu'ng sinabi ko 'yun, complete turn around talaga. Siguro that time, hindi ko pa talaga nakikita 'yung totoong value ni Elle noong time na 'yun.
"Pero, noong nakita ko na, I got to know her a little deeper. Doon na ako nagbago na talaga," sey ng aktor.
Napapanood ngayon sina Derrick at Elle sa Kapuso Afternoon Prime drama na "Apoy Sa Dugo," with Ashley Ortega.
The post Derrick Monasterio pumuporma kay Elle pero lumalandi pa sa ibang babae appeared first on Bandera.

No comments: