Sticker Happy bandang nabuo dahil sa impluwensiya ng Eraserheads

PROMISING ang baguhang banda na Sticker Happy na binubuo ng mga kabataang estudyanteng may kakaibang passion pagdating sa musika.
Ilang beses nang napanood ang grupo sa ilang music events, kabilang na riyan ang pagsali nila sa mga battle of the bands.
Nabuo ang Sticker Happy dahil kay Zeke Mojica, ang drummer ng banda na certified big fan ng OPM legend at Philippine alternative rock band na Eraserheads.
Ang kanyang amang si Joseph Mojica ang nag-introduce sa kanya ng mga kanta ng Eraserheads kaya nga ang napili niyang pangalan ng kanilang banda ay Sticker Happy na isa sa mga hit album ng Eraserheads.
Ni-recruit ni Zeke ang ilan sa kanyang batchmates sa kanilang school hanggang sa mabuo na nga nila ang kanilang pinapangarap na banda.
Dahil sa husay nilang mag-perform, nakapasa silang lumaban sa Battle of the Bands sa kanilang school mula Grade 10 hanggang Grade 12.
Naging consistent din ang pagkapanalo nila bilang recipient ng People's Choice Awards for 2 years. Hinirang din si Zeke Mojica na Best Drummer sa naturang bakbakan ng mga banda.
Kapag nagtuluy-tuloy ang pagsisikap at dedikasyon ng Sticker Happy sa pagtugtog, pagkanta at pag-abot sa kanilang pangarap, hindi imposibleng maabot din nila ang tagumpay ng Eraserheads.
The post Sticker Happy bandang nabuo dahil sa impluwensiya ng Eraserheads appeared first on Bandera.

No comments: