BREAKING NEWS

Red tide alert sa Bohol, bawal muna kumain ng shellfish

Red tide alert sa Bohol, bawal muna kumain ng shellfish

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko laban sa pagkain ng shellfish mula sa baybaying-dagat ng Dauis at Tagbilaran City sa lalawigan ng Bohol.

Nagpositibo kasi ang mga naging sample sa red tide toxins.

Sa inilabas na shellfish advisory na pirmado ni BFAR-7 Regional Director na si Mario Ruinata, iniulat ng ahensya na ang mga water sample na kinuha noong February 20 ay nagpositibo sa Pyrodinium bahamense, isang mapanganib na microorganism na naglalabas ng lason na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning.

Bilang pag-iingat, pinayuhan ng BFAR ang mga residente na huwag munang manghuli, magbenta, o kumain ng lahat ng uri ng shellfish, pati na ang Acetes species o "alamang," na galing sa mga apektadong lugar.

Baka Bet Mo: 15 patay sa lumubog na RORO ferry vessel sa dagat ng Basilan

Ayon sa ahensya, layunin ng babala na maprotektahan ang kalusugan ng publiko habang hinihintay ang resulta ng mas masusing laboratory analysis sa mga nakuhang shellfish meat samples.

Nilinaw naman ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, alimango, at hipon na nahuhuli sa nasabing lugar, basta't aalisin ang mga laman-loob at hugasang mabuti sa running water bago lutuin.

Tiniyak ng mga awtoridad na magpapatuloy ang monitoring activities katuwang ang mga lokal na pamahalaan upang masigurong ligtas ang suplay at matukoy kung kailan babalik sa normal ang kondisyon ng karagatan.

Hinihikayat ang mga residente at seafood vendor na mahigpit na sumunod sa abiso hanggang sa opisyal na maalis ang red tide alert.

The post Red tide alert sa Bohol, bawal muna kumain ng shellfish appeared first on Bandera.


Red tide alert sa Bohol, bawal muna kumain ng shellfish Red tide alert sa Bohol, bawal muna kumain ng shellfish Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close