BREAKING NEWS

‘Family Feud’ 4 years na; Team Vice, SexBomb, PBB winners makiki-celebrate 

'Family Feud' 4 years na; Team Vice, SexBomb, PBB winners makiki-celebrate 
Dingdong Dantes

IPAGDIRIWANG ng "Family Feud" ang ikaapat nitong anibersaryo simula March 2 na puno ng kasiyahan at bigating guests.

Hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, tampok sa month-long celebration ang mga sikat na personalidad mula sa TV, social media, arts, sports, at maraming iba pa.

Ang mga host ng noontime show na "It's Showtime" ay babalik sa studio para sa masayang laro. Pangungunahan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kanyang mga kasamahan na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Darren Espanto, Ryan Bang, Cianne Domingo, Jackie Gonzaga, at Amy Perez.

Maglalaro rin ang fan favorites gaya ng SexBomb moms, "PBB Celebrity Collab 2.0" winners, at ang sweet couple na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino kasama ang kanilang mga kaibigan sa modeling industry.

Magiging espesyal din ang pagbisita ng movie icons at "Sisa" stars na sina Hilda Koronel at Eugene Domingo, kasama sina Dina Bonnevie, Carmi Martin, Bembol Roco, at Rez Cortez.

Samantala, haharap si social media star Small Laude at ang kanyang mga anak na sina PJ, Michael, at Tim laban sa nakakatawang Beks Battalion: Chad Kinis, MC Muah, Lassy, at Beki Velo.

Para naman sa showdown ng arts at sports, makikita ang team ni Prima Ballerina Lisa Macuja na makikipagtagisan ng talino sa liga ni basketball heartthrob Ricci Rivero. 

May espesyal ding kiddie episode na tampok ang mga cute na little beauty queens.

Bilang pasasalamat sa loyal viewers, pinalawak ang Guess More, Win More Promo kung saan puwedeng manalo ng hanggang P500,000 kada linggo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na lalabas sa commercial breaks. 

May dagdag na kasiyahan din para sa studio audience na may chance sa cash prizes, gift packs, at giveaways bilang pasalamat sa kanilang energy.

Hindi lang ito simpleng anibersaryo—ito ay tribute sa pamilyang Pilipino na araw-araw ay nagbibigay suporta at saya sa show. Isang buwan ng tawa, saya, at pasasalamat para sa lahat ng Kapuso.

Simula ngayong March, inaanyayahan ng GMA Network ang lahat na makisali sa pagdiriwang, sumagot sa survey, at patunayan na "four-ever" ang bonding ng mga Pilipino. Tutukan ang "Family Feud" mula Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA 7.

The post 'Family Feud' 4 years na; Team Vice, SexBomb, PBB winners makiki-celebrate  appeared first on Bandera.


‘Family Feud’ 4 years na; Team Vice, SexBomb, PBB winners makiki-celebrate  ‘Family Feud’ 4 years na; Team Vice, SexBomb, PBB winners makiki-celebrate  Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close