BREAKING NEWS

‘On Your Feet!’ musical magpapaindak sa Maynila sa Hulyo!

'On Your Feet!' musical magpapaindak sa Maynila sa Hulyo!
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical

ISANG world-class na musical ang aariba sa Maynila sa darating na Hulyo!

Magsasanib-pwersa kasi ang Rockwell at 9 Works Theatrical para dalhin ang Southeast Asian premiere ng "On Your Feet! The Story of Emilio and Gloria Estefan."

Tungkol ito sa pag-ibig, pangarap, at matinding paniniwala sa isa't isa nina Gloria Estefan at Emilio Estefan, ang power couple na nagbigay ng bagong tunog sa American music scene. 

Mula sa pagiging lokal na banda hanggang sa pagiging international sensation, tampok dito ang kanilang determinasyon, sakripisyo, at malikhaing paglalakbay na sinubok pa ng matinding trahedya.

Baka Bet Mo: Sandbox Collective may open mic, masterclass series para sa theatre lovers

Sa direksyon ni Robbie Guevara, musical direction ni Daniel Bartolome, at akda ni Alexander Dinelaris, asahan ang isang makabagbag-damdamin pero feel-good na palabas na siguradong magpapatayo sa inyo sa kinauupuan!

Siyempre, hindi mawawala ang mga kantang tumatak sa isang henerasyon tulad ng "Anything For You," "1-2-3," "Conga," at "Rhythm Is Gonna Get You." 

Kaya ihanda na ang balakang at boses dahil siguradong mapapasayaw at mapapakanta ang audience!

Ang produksyon ay handog ng 9 Works Theatrical at presented by Rockwell, sa pamamagitan ng espesyal na arrangement sa Theatrical Rights Worldwide.

Ang ticket details ay ibabandera sa mga susunod na na araw, habang ang updates ay makikita sa social media pages ng Proscenium Theater at 9 Works Theatrical.

The post 'On Your Feet!' musical magpapaindak sa Maynila sa Hulyo! appeared first on Bandera.


‘On Your Feet!’ musical magpapaindak sa Maynila sa Hulyo! ‘On Your Feet!’ musical magpapaindak sa Maynila sa Hulyo! Reviewed by pinoyako on March 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close