BREAKING NEWS

ALAMIN: Paano nakaaapekto sa kalusugan ang kulang sa tulog?

ALAMIN: Paano nakaaapekto sa kalusugan ang kulang sa tulog?

SA mga nagpupuyat diyan, may paalala ang health reform advocate na si Dr. Tony Leachon!

Giit niya, ang tulog ay kailangan ng katawan para sa kalusugan at kaligtasan.

Ipinaliwanag niya rin na hindi lang ito basta pahinga dahil ito ang oras kung kailan nagre-repair ang cells, napapalakas ang immune system, at naaayos ang hormones na mahalaga sa buong katawan.

Ayon kay Dr. Leachon sa isang Facebook post, kapag madalas na naaabala ang circadian rhythms dahil sa night shifts, irregular na sleep schedule, o kakulangan sa tulog sa mahabang panahon, may bahagyang pagtaas ng panganib sa cancer, partikular sa breast at colorectal cancer. 

Baka Bet Mo: 8-hour duty sa mga pulis para hindi tulog-tulog – Nicolas Torre

Pero nilinaw niya na ang paminsang late night o kakulangan sa tulog ay hindi agad sanhi ng cancer. 

Ang tunay na panganib ay kapag tuloy-tuloy ang disruption sa biological clock sa loob ng maraming taon, na maaaring humina ang kakayahan ng katawan na mag-repair ng cells at panatilihing malakas ang immune system.

Bukod sa panganib ng cancer, ang kulang sa tulog ay konektado rin sa heart disease, diabetes, obesity, at mga mental health challenges.

Samantala, ang consistent at restorative sleep ay nakakatulong sa resistensya, mental focus, at emotional balance.

Narito ang ilang tips ni Dr. Leachon para sa mas malusog na tulog:

  • 7–9 oras ng tulog kada gabi
  • Regular na sleep schedule, kahit weekends
  • Iwasan ang bright screens bago matulog
  • Siguraduhing quiet, dark, at cool ang tulugan
  • Tingnan ang tulog bilang preventive medicine, hindi luho

"Sleep is a silent healer. By honoring our body's rhythms, we not only reduce risks but also cultivate energy, clarity, and hope for healthier tomorrows," dagdag pa ng health experts.

The post ALAMIN: Paano nakaaapekto sa kalusugan ang kulang sa tulog? appeared first on Bandera.


ALAMIN: Paano nakaaapekto sa kalusugan ang kulang sa tulog? ALAMIN: Paano nakaaapekto sa kalusugan ang kulang sa tulog? Reviewed by pinoyako on March 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close